Part 58

644 9 0
                                    

kinahapunan nung sumunod na araw ay sinundo na ni Nadia si Ella,dinala niya ito sa isang salon at doon sila nagpaayos. Gabi kasi gaganapin ang birthday party ng daddy ni Tommy. 

Alas-siyete na ng gabi nang dumating si Anton sa party. Agad agad ay nilapitan niya ang daddy ni Tommy para batiin ito. "Happy birthday tito,"bati niya dito nang makita itong nakatayo at may hawak na baso ng wine. "oh,hijo thank you for coming,where's your dad?" tanong naman nito sa kanya. "He said he's sorry that he can't come ,nasa hongkong siya ngayon  with mom, they said something urgent had happened and they need to be there. But he wished you a happy birthday." paliwanag niya dito. "well that's okay, I know how busy your dad is" anito sabay ngumiti sa kanya. "hey bro you're here,"masayang bati naman sa kanya ni Tommy nang makita siya nito. Masaya naman siyang nakipag beso dito. "well,I wouldn't miss this night,since this night is very important for your dad" nakangiting sagot niya dito.  "well,thank you bro," anito sa kanya sabay abot ng baso ng champaigne."

"beshie 'wag nalang kaya tayong tumuloy?nahihiya talaga ako eh," kinakabahang sabi ni Ella kay Nadia, nasa may entrance na sila nang party nung mga oras na yun, "ano kaba,ang ganda ganda mo kaya,dapat nga sila pa ang mahiya sa'yo eh," sabe pa nito sa kanya. Kumapit nalang siya sa braso nang kaibigan para kahit paano'y maitago niya ang kabang nararamdaman nung mga oras na yun. "was that Nadia? but who's with her?" tila namangha namang sabe ni Tommy, narinig naman ni Anton ang sinabe niya at maging siya ay namangha sa nakita. Maya-maya pa ay namukhaan niya ang babaeng kasama nito yun ay walang iba kundi si Ella. Napakaganda nito sa suot na halter dress, nakapusod pa ang buhok nito. Maraming beses niya na itong nakita pero parang ibang Ella ang nakikita niya ngayon. "bro it's Ella,I know she's beautiful but I didn't know that she's that stunning," manghang-mangha namang sabi ni Tommy sa kanya.  "c'mon let's greet them," yaya nito sa kanya. "it's okay I'll stay here,"aniya dito."bakit?" tanong ni Tommy sa kanya. "nothing, I've nothing to do with them" sagot niya lang dito.  Hindi na siya pinilit pa ni Tommy,ito nalang ang lumapit mag-isa kina Nadia at Ella. 

"hey guys,"bati ni Tommy sa kanila. "wow! Ella you look stunning tonight,hindi kita nakilala."hinid napigilan ni Ella na mamula ng purihin siya ni Tommy,. "t-thank you"nahihiya pang sagot niya dito.  Maya-maya pa ay umiling si Nadia. "at talagang siya lang yung napansin mo ha?"pabiro namang sabi ni Nadia kay Tommy, "of course you look stunning too." sabe naman nito "tse!" pabirong sagot naman ni Nadia dito. Si Ella naman na nakatingin lang sa dalawa ay pasimple silang pinagtatatwanan,hanggang sa di sinasadya ay mapadako ang tingin niya sa isang lalaki na abala sa pakikipag-usap sa mga bisita,walang iba kundi si Anton De Vera. Bigla tuloy nanaman kumabog ng malakas ang dibdib niya. Dahil nakita nanaman niya ang guwapong mukha ng lalaki. Yun nga lang tulad ng dati,para parin siyang invisible dito.Dahil kahit pala mag-ayos siya, hindi parin ito uubra sa binata. Bigla siyang nalungkot sa isiping 'yon,pero nagsisimula palang ang gabi ni Ella,dahil lingid sa kanyang kaalaman,isang pasabog ang magaganap sa gabing iyon. 

LOVE KO SI DIREK ✔Where stories live. Discover now