Part 64

626 9 0
                                    

Hapon na nang makarating sila sa bahay nila Ella, "salamat sa paghahatid sa'kin,gusto mo ba munang pumasok sa loob para makapag kape?" tanong ni Ella kay Anton bago siya tuluyang lumabas sa kotse nito. "no thank you,may kailangan pa kasi akong asikasuhin eh," sagot naman nito sa kanya. "Okay,"sabe niya dito. Akma na siyang labas nang bigla siya nitong pigilan. "Ella wait!" anito sa kanya. "bakit?" tanong niya dito. "puwede ka bang bumalik na sa set bukas?" tanong nito sa kanya. Bahagya siyang nag-isip sabay napabuntong hininga, "okay lang tutal susuwelduhan mo naman ako eh" sagot niya dito. "good,then I'll see you tomorrow."anito na sinabayan pa ng ngiti. Pagkatapos nun ay tuluyan na nga siyang lumabas ng kotse. Pero hinintay muna niya itong tuluyang makalayo bago siya tuluyang pumasok sa bahay nila. Nagulat siya nang mabungaran si Nadia na nakapameywang pa "ba't ngayon ka lang?". Kumpleto rin ang buong pamilya na naabutan niyang nanonood ng tv sa sala, ang nanay,tatay at ang kapatid niyang si Lily. "ay, wow dinaig mo pa si nanay saka si tatay kung makatanong ka sa'kin ah,"natatawa pang sabe niya dito. nilapitan niya muna ang mga magulang at isa-isang nagmano sa mga ito,habang marahan niya namang pinisil ang pisnge ng kapatid na si Lily. "naku saan pa e di nakipag date sa direktor,maaga pa nang sunduin siya dito kanina,"nang-aasar namang sagot ng kanyang ina. "wow, astig manliligaw mo nak ah,direktor pa. Sigurado ako malapit kanang maging sikat na artista."sagot naman ng tatay niya sa kanya. "hindi nanliligaw sa'kin yun, ano ba kayo." paliwanag niya. "si Ate liligawan? ang pangit-pangit niyan sino naman magkakagusto diyan,"pang-aasar pa ni Lily sa kanya. "ikaw talaga atrimitida ka eh no!" sabe niya sa kapatid habang ginugulo ang buhok nito. "ano ba,ang hirap-hirap mag ayos ng buhok eh,"reklamo naman nito. Maya-maya pa'y bigla siyang hinila ni Nadia palayo sa mga magulang at kapatid niya para makapag-usap sila ng hindi naririnig ng mga ito. "beshie,ano nanaman ba 'tong pinasok mo ha?" tanong nito sa kanya. "kinausap kasi ako ni Anton,inalok niya akong magpanggap na girlfriend niya." pag-amin niya dito. "ano? at pumayag ka naman ganun ba?" gulat na tanong nito sa kanya. "oo,babalik na din ako sa set bukas." sagot niya naman dito. "Ella ano kaba naman,hindi mo ba alam na sa ginagawa mong iyan ikaw rin ang masasaktan sa huli?lalo pa't may nararamdaman ka para sa kanya." paninermon nito sa kanya. "alam ko naman yun beshie,kaso lang hindi ko talaga siya matanggihan eh," paliwanag niya pa dito. "hay naku Michaella,ewan ko na talaga sa'yo" sabi nito na nilingu-lingo pa ang ulo. "besh,'wag ka namang ganyan, suportahan mo nalang ako please."paglalambing niya dito. "eh ano pa nga bang magagawa ko,pero pag ikaw talaga sinaktan niyang lalaki na yan malilintikan sa'kin yan." Sagot naman nito sa kanya. Nayakap niya ang kaibigan sa sobrang tuwa,dahil sa malasakit na  pinapakita nito sa kanya. 


LOVE KO SI DIREK ✔Where stories live. Discover now