"Can I ask......umm, ano'ng meron sa inyo ni Bryle?"

Hala. Bakit niya natanong yun? napaka-pranka naman ni bakla. Kailangan ba 'yon? Tiyaka ano ba'ng isasagot ko sakanya.

Katulong.

Sex Slave.

Whore.

Puta.

Ex-wife.

Hayys!!! Ewan.

"A....e.... kaibig----"

"Yung totoo." nagulat ako ng biglang lumaki ang boses niya, naging lalaki.

"A....e....ang totoo niyan, ex-wife niya ako." sagot ko.

"Ow, so you're Bryle's ex-wife, huh.....and definitely you're not one of his women." napaisip ako sa sinabi niya.

"A-anong ibig mong sabihin!?" ako.

"Hindi ikaw ang una at huling babae na dinala niya dito, ako ang nagbihis sa mga nagiging babae ni Bryle." pranka na sagot niya sa'kin.

Napatitig ako kay Madam D. Matagal ko nang tanggap na hindi lang ako ang babae sa buhay ni Bryle dahil marami kami.

Hindi ko rin naman siya masisisi kung maghanap siya ng iba, lalaki lang naman siya. Besides, It's my fault, I left him nothing.

Inikutan niya ako habang ng minamasdan ang kabuuan ko. "Totoo pala ang sabi nila, maganda nga ang asawa ni Bryle...pero mas maganda parin ako sayo."

Nye!! Talaga ba?

"Mukhang alam ko na kung ano ang gagawin ko sayo." sabi niya.

"Ano po palang gagawin natin, bakit niya ako pinapunta dito?" nagtatakang tanong ko kay Madam D.

"I don't even know why, basta sabi niya dadalhin ka daw niya dito at ako ang magbibihis sayo." sagot niya.

Tumango nalang ako kahit na nalilito parin ako kung ano ang naisipan niya at bigla nalang niya ako dinala dito.

Pumunta si Madam D sa mga gown.  Sumunod naman ako sakanya.

"I have 10 gowns here, these are the best gowns that we had here in Everline."

Tinignan ko yung mga gown, hindi rin naman siya nagsisinungaling. Magaganda ang mga gown na ito at mukhang may kalidad kaysa sa mga gown na nakadisplay doon sa show window. "Swerte ka dahil ikaw lang ang binigyan namin ng ganitong specialization."

"Sobrang ganda!!!" sabi ko. Kanina pa ako naa-amaze sa mga nakikita ko.

"Papipiliin kita ng limang gown na gusto mo at 'yon ang ang isusukat mo."

Totoo ba 'to? Susuotin ko ang mga gown na 'to? Ano kayang nakain ni Bryle.

"E.....e...hindi ko naman kayang bayaran ang mga 'to."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" 'yan na naman siya.

"E anong ginagawa ng lalaki diyan sa labas. Alam mo girl, dinala ka dito ng isa sa pinakamayang lalaki dito sa bansa, kung tutuusin kayang-kaya niya bilhin ang buong shop na ito kung gugustuhin niya.....so you don't have to worry about the payment,.....ano? lets start na?"

Tumango nalang ako at sumunod nalang sakanya, hindi naman na ako pwedeng tumanggi dahil nandito na 'ko. Tapos mamaya isipin pa ni Madam D na nagiinarte pa ako.

Iniisa-isa kong tignan lahat ng gowns. Puro magaganda ang lahat ng mga ito kaya hirap na hirap ako mamili pero gaya nga ng sabi ni Madam D, kailangan ko pumili ng lima.

Possessive Nights (Completed)Where stories live. Discover now