Kabanata 12: Shunyi

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang nag-iikot ako sa mga kanto sa malapit ay nakita ko si Liam at si Tyra. Hindi ko na sila maiiwasan dahil masyado na kaming malapit sa isa't isa at nakita na rin naman ako ng makating higad na babae na 'yon.

Tumaas agad ang kilay niya at akala mo handa na siyang sumugod sa gera, "Wow grabe, palagi ka na lang ba talaga naming makikita sa paligid? Nakakasira ng araw." Pagtataray ng higad sa akin. Aba, mas nakakasira sila ng araw lalo na 'yang mukha niyang punong puno ng BB Cream na hindi naman pantay sa skin tone niya.

"H'wag ka ngang tanga, Tyra. Nasa iisang barangay lang tayo kaya magkikita at magkikita talaga tayo. Kung ayaw mo akong makita, magkulong ka na lang sa bahay niyo. Alangan naman ako pa 'yong mag adjust sa inyo," pinaabot ko na hanggang Mars 'yong pagtataas ko ng kilay.

Akala niya ba papayag ako na gaguhin niya ako ulit? Once is enough and twice is so much.

"Wala akong panahon sa inyo kaya pwede tigilan niyo ako."

Nilagpasan ko na silang dalawa pero hindi pa rin talaga tumigil 'tong si Tyra. Ang dami niyang pinaglalaban sa buhay niya. Ano pa bang gusto niya, nakuha na nga niya si Liam!

"Mayabang ka na porket may bagong lalaking umaaligid sa'yo? Anong akala mo seryoso 'yon sa'yo? Pinaglalaruan ka lang din no'n at nagpapauto ka na naman. Wake up Serenity!"

Sinong tinutukoy niya? Si Scion ba? Nagpapatawa ata siya. Wala naman siyang alam pero talak siya nang talak. Sabagay, ang ilog na mababaw talaga, grabe mag-ingay.

"Tama na 'yan babe," singit ng gago kong ex. Wow ha, ganda ng tawagan. Babe pa talaga? Nakakaumay hindi bagay sa kanila. "Umalis na tayo, sayang lang oras natin."

Hoy Liam! Bago mo sabihin na sayang ang oras niyo, tanungin mo muna kung hindi rin ba nasasayang ang oras ko sa inyong dalawa! Kung tutuusin, kayong dalawa nga 'yong nangharang sa'kin. Kayo ang epal dito, noh!

"Oo nga babe, sayang oras natin sa ulilang babae na 'to. Ay, mali, abandonado lang pala hindi pa ulila," tumawa pa siya na akala mo mauubusan na siya nang hininga.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Tumalikod ako at tumakbo papunta kay Tyra. Hinawakan ko ang buhok niya at hinila ko ang ulo niya papunta sa aspaltong sahig. Nginudngod ko ang pagmumukha niya nang todo, "Hindi mo alam ang pakiramdam kung paano ma-abandona kaya kung ako sa'yo ititikom ko 'yang bibig ko dahil kung hindi, manghihiram ka ng mukha sa baboy ramo!" Binitawan ko na siya. Baka mapatay ko siya nang wala sa oras. Hindi pa ako gano'n kababa. Ang ginawa ko na 'to ay isang leksyon lang para sa kanya.

"Aray ko! 'Yong mukha kong maganda!" Sigaw niya habang pinepeke ang pag-iyak niya. Hindi ata siya nasaktan sa ginawa ko. Sabagay, makapal ang mukha niya. "Magbabayad ka sa ginawa mo sa'kin, Serenity!"

Tinignan ko si Liam. Nakatayo lang siya sa harapan ko habang nakatingin sa akin.

"Sa susunod, kayo na lang 'yong umiwas sa'kin. Nakakahiya naman na ako na nga 'yong niloko niyo tapos ako pa 'tong laging naaabala sa inyo," sambit ko.

Kahit tuwang-tuwa akong makita si Tyra na naghihirap, mas importanteng mahanap ko na si Scion. Tinalikuran ko sila at tumakbo na ako palayo. Kailangan umiwas sa mga toxic na tao.

Takbo lang ako nang takbo kung saan.

Pagod na pagod na ako kaya umuwi muna ako sa bahay para uminom ng tubig at magpalit ng damit. Naliligo na ako sa pawis.

Pagpasok ko sa bahay, nakaabang na sa akin si auntie, "Saan ka galing, Serenity? Kanina pa kita hinahanap." Mukhang hindi maganda ang mood niya. Ano na naman kaya ang nangyari?

"May binili lang po ako sa labas, anong problema auntie?" Tumayo siya at humakbang papalapit sa akin. Hinawakan niya ang dulo ng buhok ko at hinila niya ito pababa. Muntik na akong matumba pero nakahawak ako sa malaki at mataba niyang braso. "Auntie nasasaktan po ako!" Ang lakas nang pagkakahila niya sa buhok ko. "Bitawan niyo ako!"

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon