Chapter 51 - Hurt

13K 446 46
                                    

Please po Vote and commment kayo pagnabasa niyo ito. Nakaka gaan po kasi ng loob at nagpapagana sakin mag UD ang feedbacks niyo :)

STELLA

Nanigas mga bahagi ng katawan ko ng nakita ko siya. Hindi ako makapagsalita. Parang kinain niya ang lakas ko sa presinsya niya.

"So siya pala ang kasama mo?" Palapit ito sakin habang sout-sout ang galit niyang mukha. Nakakatakot ang expressyon niya.

Binigyan ko lang siya ng blankong tingin. Pero teka...Anong ginagawa niya sa harap ng bahay ko sa ganitong oras?

"Alam mo bang halos ikamatay ko na naki-.. I mean...ng mga magulang mo kakahanap sayo?" lumapit siya sakin, na tila ang espressyon niya nagbago. "Naisturbo mo pa ang kaibigan mo sa pagalala. Akala namin kung may nangyaring masama, tapos yun pala kasama mo lang ang lalaking yun?" mariin niyang sabi.

"Sabihin mo nga, nakipag date ka sa lalaking yun nuh? At sa tingin mo ba gawain yan ng matinong babae umuwi sa ganitong oras?" dagdag pa niya.

Sinamaan ko siya kaagad ng tingin. Bakit ganyan siya makapagsalita sakin? Daig pa mga magulang ko. Alam ko naman pinagalala ko sila, pero wala naman siyang karapatan magalit ng sobra sakin diba?

"Pwede ba Kendall, magulang ko lang ang may karapatan mag sabi sakin niyan. Ano ba pakialam mo?" huminga ako ng malalim at hinawakan ang bewang ko. "Ano ba ginagawa mo dito? Gabi na kaya. D--" hindi niya ako pinatapos.

"Nakalimutan mo ba kung ano ngayon?" pilyo niyang tanong.

"Ang alin..?" ano ba ngayon? Hindi ko naman birthday at hindi din niya. May dapat ba ako maalala?

Napaisip ako...

Hmm...parang wala nama--

Tomorrow. 4 pm susunduin kita.

Tomorrow. 4 pm susunduin kita.

Nag echo bigla ang sinabi niya sakin nung isang araw. OMG!

Nanlaki ang mga mata ko at tinignan ko siya habang nakataas lang kilay niya. Shettt!! Ngayon pala yun!! Sabi na nga ba may nakakalimutan talaga ako!

Huhu. Ngayon malinaw na kung bakit parang bad trip ang itchura niya.

"Ah..Kend--"

"Umasa akong susupot ka. Naghintay pa nga ako dito boung hapon. Sinamahan ko pa si Daniella hanapin ka, tapos pag dating ko dito,yun pa nakita ko?" seryoso niyang sabi.

"H-hindi naman sa ganon Kendall, mali yang iniisip mo." baka sabihin niyang sumama ako kay Alex kasi ayaw ko sa kanya.

"Tss. Sana man lang sinabihan mo ko na ayaw mong sumupot, keysa sa pinaasa mo ko. Nagmumukhang tanga tuloy ako dito." ramdam ko yung lungkot sa boses niya.

Ang tanga tanga ko talaga. Bakit nga ba hindi ko nagawang i text siya kanina? Tapos pinagalitan ko pa siya, yun pala nagalala lang siya sakin.

Hays. Feeling ko tuloy ang sama sama kung tao.

"Nakalimutan ko lang talaga.." nakayuko kung sabi. Tinignan ko siya nang narinig kong tumawa ito.

"Malamang nakalimutan mo. Lahat naman ng bagay sa paligid mo, di mo na napapansin kapag siya ang kasama mo, dahil lahat ng attensyon mo nasa kanya na. Tapos andito ako, naghihintay sa wala. Nakatatawa ako."

Alam mo yung tawa na pinilit lang ilabas,pero yung totoo galit ang lungkot ang nararamdaman mo? Yan kasi ang nakikita ko sa kanya, dahilan para lalo akong kinakain ng konsensya ko.

"Wala ka man lang ba sasabihin? " nakayuko lang ako. "Do you even care about my feelings?" malungkot niyang bigkas.

Nakatayo lang ako,dito sa harap niya. Stella mag salita ka kasi.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon