Chapter 72- Promise

5.3K 130 41
                                                  



Sorry guys for the late UD! Nalunod ako sa daming homework at mga deadline, tapos nawalan pa ng wifi yung dorm ko >.< But now its all good! Thank you guys for showing your love sa story ko by commenting and messaging me, mas lalo akong naiinspire! Maraming salamat, hope you love this chapter! 



GINNO



6:20 am

" Nakita niyo to? Ako yan, tapos eto pa ako din yan. Lahat ng pages, ako ang laman hehehe. Ginawa niya to para sakin. Tignan niyo oh'. Ganda diba? Para lang talaga sakin to." para siyang bata aliw na aliw sa regalong binigay sa kanya. Abot tenga ang ngiti niya habang nakatingin dun.

Umiling ako sa kanya habang hinahalo ang mainit kung kape.

" Edi sayo na." sabi ni Alex saka sumubo ng tinapay. Kasalukuyang nagaalmusal kaming lima sa bahay ko.

"Enjoy na enjoy talaga ang moko." bulong sakin ni Jacob habang pinagmamasadan ang cringy naming captain. Napatawa naman ako.

" Ulol! Baka nagseselos ka lang kasi wala ka nito." haha! Narinig niya pala yun.

" Sus papagawa ako niyan sa mga fanclub natin eh." sagot ni Jacob.

Umiling naman si Kendall habang naka ngisi sakanya. " Walang makakapantay sa kagandahan nito. May halong pagmamahal to." sabi niya tapos ngumisi pa siya. Naulol na talaga haha!

Sa dami daming regalo nito natanggap kagabi, tanging yun lang ang nagustuhan niya sa lahat. Akalain mo, kagabi sa birthday party niya naka tanggap siya ng mga kotse galing sa Hundai, Ford at Toyota, pati nadin mga ticket sa cruise ship at mamahaling damit, relo at sapatos. Pero lahat ng yun wala siyang paki-alam at di niya pinapansin.

Ang pinamumukha niya saming regalo ngayon ay ang galing kay Stella, ito daw ang pinakaespesyal sa lahat. Malamang galing sa girlfriend niya eh haha!

Napatawa ng marahan sa kanya si Jacob. "Tuwang tuwa ka talaga diyan. Ipa frame mo kaya yan at isabit sa kwarto mo." sarcastic niyang sabi.

Si Kendall naman biglang sumeryoso at tinapik siya sa balikat. " Talino mo talaga Jac! Good idea hehe." napapoker face kaming apat sa kanya habang siya manghang-mangha doon.

" Its was a joke bro." dagdag ni Kysler saka tumawa.

"Adik ka na talaga." sabi ni Alex.

Nainis ang mukha niya. " Ewan ko sa inyo. Ipapa frame ko talaga to at isasabit sa kwarto ko!" masigla niyang sabi.

Anak ng, haha!! Joke lang yun pero gagawin niya talaga. Sus. Sobrang katuwaan na talaga ang nararamdaman ng komag nato.

Maka react siya akala moy isang sports car. Isang scrapbook lang naman, na laman ng pictures nila at may mga mensahe nakasulat dun. I guess kinilig siya sa ginawa ni Stella. Maganda kasi ang pag gawa at mukhang pinaghirapan niya e-design to. No wonder possessive af siya dun haha! 

" Masanay na kayo sa lokong yan' kagabi pa niya sakin pinagyayabang ang librong yan." angil ko. Paano ba naman, alas dose ng kaumagahan bigla siyang pumunta sa bahay ko.

Dahil sa nangyari sa party, wala itong gana umuwi sa bahay nila para makipagsagutan sa magulang niya. Kaya pagkatapos niyang ihatid si Stella sa kanila, sa bahay ko na siya mismo natulog.

Pagkagising namin, agad niyang tinawagan ang apat  para magalmusal sa bahay ko, pero sa tingin ko ginawa niya yun para lang ipagmayabang ang regalo nakuha niya samin!

Inlove amputa haha!

" Sinong hindi matutuwa dito? Pinaghirapan to ng girlfriend ko, kaya manigas kayo dahil boung araw ko pagyayabang sainyo ang regalo niya sakin." sa sinabi niya umiling na lang kaming apat at bumalik sa pagkain.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon