Chapter 65- Cool off

8.6K 276 37
                                    



STELLA

" Anak, di ka pa natutulog?" lumingon ako at nakita ko si papa palapit sa akin. Umupo ito sa tabi ko.

" Hindi pa po kasi ako inaantok." sabi ko saka sumandal sa balikat niya. Alas onse na ng gabi pero ewan ko ba hindi pa ako dinadalaw ng antok.

" Okay ka lang ba anak?" huminga ako ng malalim. Napaisip ako sa kwestyon ni papa.

Okay nga lang ba ako? Diba dapat oo, okay lang ako?

Nakalabas na din si papa ng hospital kagabi pa, dapat kampante na ako kasi babalik na sa normal ang buhay ko. Makaka pasok na ako sa school.

Inisiip ko na naman ba ang nangyari nung araw na yun...

Stella mag iisang linggo na yun! Kalimutan mo na!

" Lalim ata ng inisip mo anak ah." bumalik ako sa realidad.

Napa palakpak ako. " Wala pa, masaya lang ako at nakalabas ka na at andito ka na sa bahay." ngumiti ako sakanya pero parang hindi into kumbinsi.

" Ikaw pa, may sakit ka pa bang naramdaman? Kailangan mo ba ng gamot?" pang change topic ko.

" Lagi niyo na lang ako ng nanay mo tinatanong niyan. Syempre ako pa, malakas tatay niyo noh! Pogi pa." napatawa na lang ako sa sinabi ni papa.

Simula nakalabas siya ng hospital, bumalik ang lakas niya, para bang hindi ito tinamaan ng sakit, pero syempre patuloy padin kaming pagaalaga sa kanya at laging sinasabihan umiinom ito ng gamot niya.

Sana naman wala ng mangyari pang masama sa kanya, lalo na sa pamilya namin.

" Anak, bilib talaga ako sayo. Hindi mo alam kung gaano kami nagpapasalamat ng mama mo sayo." kiniss niya ako sa noo.

Dahil sa tulong ng taohan nila Daniella , Jacob at Ginno, sila ang nagbantay sa shop,dahil nakahanap ako ng ilang part time job para makaipon ng pera.

Ilang beses nila akong i-suggest na umutang sa kanila ng pera or bigyan nila ako, pero mas ginusto ko kumayod ng sarili kung pera. Madami na silang nagawa para sa akin.

Syempre, napagod din ako, pero sulit ang lahat kasi natulungan ko si mama at papa, makita lang nakangiti sila, nawawala yung pagod ko.

Naglaba, nag luto, lag bantay ng bata lahat na nagawa ko sa loob ng limang araw.

Sa tulong ni Ginno, pinatrabaho niya din akong assistant cook sa family restaurant nila, tapos si Jacob naman tinulungan ako maging waitress sa sarili niyang bar, dahil siguro mayaman mga customer dun, ang laki ng tips at bayad nila!

As in, parang iisipin mo na lang na sobra na ito! Sinubukan ko ngang ibalik sa iba, pero ayaw nila, akin na lang daw kasi. Tatanggihan ko pa ba?

Ah tapos si Kysler naman, ano nga ba tulong sakin ni Kysler? Ah! Sinamahan ako pag bantay ng bata, pero actually natulog lang siya the whole time at ako ang nagalaga ng bata, di ko nga alam kung bakit sumama pa yun, bored daw kasi siya.

Pero yun din,yung ama ng batang inalagaan ko, ang laki din ng binayad sakin!

Dahil dun, nakaipon ako ng pera, pinagsama ang ipon sa shop at boom. Nakalabas din si papa ng hospital at nabili namin ang kinakailangan niyang gamot.

Subalit, kahit sa daming ginagawa ko, hindi ko naiiwasang isipin ang nangyari sa amin ni Kendall nung araw na yun.

Sa mga narinig at nakita ko. Sinusubukan kung ilabas sa utak ko at wag maapekto pero... talagang sumulpot siya at sumisiksik sa isip ko..Nasaaktan ako??

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon