Chapter 49 - Unexpected Farewell

14.7K 458 34
                                    

STELLA

Kanina pa akong pa gulong-gulong dito sa kama, sinusubukang matulog......Pero wala talaga!! Kanina pa tapos ang party ng mga alas'dos, nakatulog na ang iba pero ako ni antok hindi dumaloy! Huhu.

Napatingin ako sa orasan at takte!!! 5:45 a.m!! Gusto ko matulog, pero parang imposible. Hindi talaga ako naantok.

Sa daming dami kasing bagay tumatakbo sa isip ko, ni pumikit o matulog ng isang minuto hindi ko magawa.

Napatingin ako katabi kung kama. Haays. Buti pa siya, mukhang mahimbing at masarap ang tulog niya. Sabagay, sobrang nalasing siya kagabi malamang forever na hangover na bagsak nito.

"Daniella....gumising ka na din please..*pout*"

"ZzzZz"

Wala. Tignan mo oh, nakanganga pa siyang matulog. Sana gising siya, para malabas ko tong saloobin ko! Mababaliw na ata kasi ako eh!!

Kaso ayaw ko naman maging bastos. Kwarto niya to at ayaw ko maisturbo siya. Kagabi kasi, ako ang nagalaga sa kanya dahil sa sobrang lasing siya, amoy alak at suka siya ng suka. Uminom pero hindi naman pala kaya. Lagot siya sakin pag gising niya.

Bumalik na lang ako sa kama at humiga. Gusto kung matulog, dahil simula pa nung umakyta kami sa kwarto, wala na akong ginawa kung di inisip ang nangyari sa party.

Panaginip lang ba yun? O pwede din namang guni-guni diba? Kaso tuwing inaalala ko ang lahat ng sinabi niya at ang nararamdaman ko nun, parang totoo eh! Damang-dama siya ng utak ko!

Oo may na inom ako nun, pero totoo talaga siya! Naalala ko tuloy nung niyakap niya ako, Para akong nasasakal sa sobrang higpit nun at nakakapagtaka kung bakit tumitibok din ang puso ko ng sobrang bilis. Katulad ito nung hinalikan niya ako sa kubo. Bakit laging ganito? Hindi ko na maintindihan..Hindi ko naman siya gusto diba?

Mali! Hindi ko pala alam kung gusto ko din siya.

Maisip nga...

Ako? Isang mahirap,boring, manang, nerd at nobody, sinabihan ng isang mayaman, maangas, at hearttrob na may gusto siya sakin?

Ibig sabihin, dati pa pala siya may gusto sa akin at tinatago niya lang? Ang sinasabi niyang babae na hindi niya kayang makuha? Ako yun? Ang kanta na kinanta niya sa videoke house, para sa akin pala yun? Ang binigay niyang kwentas?

Ibig sabihin, sa mga panahon pala na tinutulungan niya ako at nung  sinakrapisyo niya ang buhay niya para sa akin...dahil gusto pala ako ni Kendall Shing-Wa?

Bakit sa panahon na yun, ni hindi ko naisip. Manhid ba ako? O talagang andun lagi attensyon ko kay Alex tuwing kasama ko si Kendall...

Sa boung buhay ko hindi ko na expect yun. Hello? Baliw na lang siguro ang magiisip nun. Kahit sa panaginip ko hindi yun nangyari.  Bakit?

Si Kendall na habulin ng babae. Si kendall ang taong gumulo ng buhay ko. Si Kendall mahilig akong pagtawanan, laitin, at asarin. Si Kendall na laging sumisira sa araw ko. Paano ko naman maiisip na may gusto ang lalaking yun sakin?

"Stella gusto kita....."

Kya!!! Para siyang kanta na kanina paulit-ulit sa isip ko. Ginulo ko ang buhok ko tsaka lumabas ng kwarto.

Mabuti na lumabas muna ako para makahinga ng masimoy na hangin.

Habang naglalakad ako sa dalampasigan, napaisip ako kung may magbabago kaya sa araw nato? May magbabago ba sa pakikipagtungo naming dalawa na ngayong gusto niya ako?

HALA. Naramdaman ko nanaman tumayo ang mga balahibo ko, sa tuwing naalala ko ito. Ang hirap paniwalaan eh, ang hirap ipasok sa utak ko ang mga sinabi niya kagabi.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon