Chapter 36 - Ultimate Nurse

15.8K 440 34
                                    

JACOB

"OWW!!" hiyaw ng mga nanonud.

Lahat kaming huskies nagmadaling lumapit kay Kendall na nakadapa sa sahig, pagkatapos ko ito natamaan ng bola sa mukha mismo. Sheit.

"Shing-Wa! Oi!" inaalog namin ni coach si Kendall para gumising. Kaso wala, nawalan ata ng malay ang lalaki nato. Masyado siguro malakas ang pagka tama ng bola sa itchura niya. Siya naman kase, hindi nag cocon-centrate! Kung saan saan tumitingin, yan tuloy. Tsk.

"Coach kami na bahala sa kanya, Alex ikaw na dito" tumango si Alex kay Ginno at nilagay ang kamay ni Kendall sa balikat niya, agad ko naman siya tinulungan buhatin si Kendall.

"Sigurado kayo diyan? " tanong ng coach namin.

"Yes coach. Iuuwi na lang namin siya sa mansion nila para makapagpahinga to'" Suminyas naman ako kay Alex ng good-luck-look at agad ng lumabas sa gym. Kahit walang malay tong captain namin, alam kung magwawala siya pag nalaman niyang mag wawalkout kami ng game. Kaya mabuti na, kami na lang ni Ginno maguuwi sakanya at si Alex mag stay dun para tapusin ang laban kasama ang huskies.

"Ano kaya nangyari dito?"

"Di ko rin alam eh, pero sigurado ako may gumagambala kanina sa laro niya." sagot ko kay Ginno habang nakaakbay sa amin si Kendall na walang malay.

Nakapagtataka lang talaga kung bakit naging lutang ang paglalaro niya, eh kanina lang panay ang shoot nito. Sino kaya gumagambala sa isip niya?

"Jacob! A-anong nangyari?" sinalubong kami ni Stella sa exit ng gym kasama ang nagaalanganin niyang mukha.

"Nawalan ng malay kanina lang. Kaya inisipan naming pauwiin ito"

"Iuuwi agad? Eh...may clinic naman sa school nato. Dalhin natin siya dun" bulyaw niya na halatang nagaalala kay Kendall.

Napatawa ako. "Pag normal na tao dadalhin dun, pero si Kendall to eh. Allergic siya dun" sagot ni Ginno at mukhang hindi naman gets ni Stella. Malamang, walang alam tong bestfriend ko sa mga nakaraan ni Kendall. At ayaw ko naman e-explain sa kanya kasi ang haba at tsaka ang mabigat KASI DALA KO!

"Teka sasama ka sa amin?" hanggang ngayon sunod ng sunod parin siya samin. Halatang concern haha.

"Ha?...ahh.-"

"Tsk tara na," mukhang ng dadalawang isip pa siya, kaya yun kinaladkad ko na lang gamit ang isa kung kamay.

--

Nakarating na kami sa bahay ni Kendall at agad naman kami sinalubong ng mga maid nila at si Lola Telda para idalhin sa kwarto niya.

"Ok na siguro yun"

"Oo nga. Stella tara?" nasa taas parin ang tingin niya.

"Ano? Aalis na lang kayo? Di yo ba hihintayin gumising siya?"

"Malaki nayun, tsaka ang nangyari sakanya? Sisiw lang yan" sanay na kami diyan kung tutuosin. Ang nangyari kay Kendall ngayon? Pilikmata lang yan sa mga iba pa naming ginagawa.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Normal lang sa amin ang mga bagay na yan. Ang mawawalan kami ng malay? Psh. Hindi lang yan ang inaabot namin noon pa. Minsan nga duguan na kami umuuwi sa bahay, may mga black eye O di nga pasa kung saan saan" mukhang hindi namang hindi mapakaniwala si Stella sa mga sinasabi ni Ginno. Pero totoo naman ang lahat ng yun. Dahil sa kilala kaming myembro ng RED RUMMER dati, madami ang gustong maghiganti.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon