Chapter 42- Missing

14.3K 421 60
                                                  

CHAPTER: 42- MISSING

*************************

Hay salamat at uwian na! Pwede na ako maka uwi at kumain ng ice cream! Happy happy! Not to mention...Bukas, gagala kami ni Thea! Double happy happy na! Miss ko na talaga bestfriend ko sobra! Buti na lang may time siya bukas. Excited ako! :D

Pagkalabas ko ng room, agad na akong tumungo sa aking locker para iwan tong gabundok kung mga libro.

"Tol! Stella!"

Pangalan ko yun ah!

Lumingon ako at nakita sina Jay-C at Darrel palapit sakin. Mga kapwa Huskies.

Habang palapit sila sa akin, batid ko na parang nagdadalawan isip pa sila sa mukha ko. Tumigil si Darrel sa harap nakin at umikot habang minamasdan ako.

He clapped. "Tama nga sila! Ang ganda mo nga Stella!"

"Oo nga! Di ko akalaing ganito yung itchura mo! Naks! Parang pwede na kitang ligawan!" napatawa na lang ako sa kanilang dalawa. Di ko na tuloy naiwasang mamula...Kasi naman eh! Maka puri sila sa akin, feeling ko sasabog ulo ko.

"Psh. Kayo talaga kalokohan!" sabay hampas ng libro. " Ah papunta ka na ba sa locker mo? Ako na dadala ng mga librong yan" Bait naman!

"Sure ka Jay-C? Mabigat to'"

"Tss. Wala ka bang tiwala sa mga muscles ko?" agad naman siya nag flex ng braso niya sa harap ko. Baliw talaga! Haha. "Ulol! Bawal tayo magpa cute diyan! Baka magalit pa sayo si captain niyan!" Ehh??

Hinamas na lang ni Jay-C ang kanyang ulo pagkatapos siyang batukan ni Darrel. "A-anong ibig mong sabihin?" Di ba si Kendall yung captain nila? Anong ibig niyang sabihin? Magagalit daw?

"Ah...W-wala wala hehe! Wag mo na isipin yun! Hoy Jay-C tulungan na natin si Stella ho!" pa utal-utal niyang sagot sabay kuha sa bitbit kung libro.

--

"Salamat Jay-C, Darrel ha. Di niyo naman kailangang gawin yun"

"Okay lang yun!"

"Gusto mo araw-arawin naming bitbitin mga libro mo" Wee din nga? "Pero may kapalit yun hehe." Baliw talaga tong si Jay-C "Loko ka talaga!"

"Hehe joke lang. Ah sige mauna na kami" tumango lang ako. "Bye prettyful Stella!" masiglang bulyaw nilang dalawa, habang kumakaway paalis. Ngumiti na lang ako sa kanila.

Grabi, simula nung nagiba ang mukha ko, iba na talaga pakikitungo ng mga tao sa akin. Lalo na ang mga prof, hindi sila mapakaniwala sa naging transformation ko! Ewan ko ba kung dapat masaya ako kasi ngayon napapansin na nila ako, di tulad dati nung mukhang nerd pa ako. Parang invisible ako sa mata ng mga tao.

I sighed...

Pero sina Skylar, mas lalong tumindi ang galit nila sa akin. Bakit kaya? Di ko naintinihan kung bakit ganun-ganun na lang ang trato nila sa akin. Lalo na kanina, bigla na lang ako nahina para bang hinayaan ko na lang sila apihin ako. Aish. Napahiya tuloy ako.

Naalala ko yung panyo at nilabas siya.

Tinitigan ito.

Di ako mapakaniwala, sa dami dami ng tao ang tumulong sa akin. Si Kendall pa talaga. Weird diba? Bakit niya kaya ginawa yun? Tsaka bakit niyakap ko din siya?! Tsk. Ano na lang iispin nun? Baka sa tingin niya tuloy may gusto ako sa kanya. Assuming pa naman yun!

Malakas kasi saltik ng lalaking yun eh. Bipolar talaga tingin ko sakanya simula nung nagkakilala kami. Minsan, mainit ang ulo tapos bigla na lang gagawa ng mabait na milagro. Kung kasing bait niya lang kasi si Alex, di malayong pwede kaming magkaibigan..

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon