Chapter 1- A Bad First Day

54.3K 983 106
                                                  



DISCLAIMER: INSPIRED MY METEOR GARDEN/ THE FOUR BAD BOYS AND ME

Its not copied, rather its inspired by ate Maiden's story. So please keep that in mind ^_^ Nung nabasa ko ang Hana Yori Dango and TFBBAM, I got inspired to make a story similar to it. With the same concept but different content, so i hope you enjoy this :) 



STELLA


"O anak galingan mo ha! Itaas mo yung bandera ng mga Gonzales!" Sigaw agad ni mama pag labas ko pa lang sa kwarto ko kakatapos magbihis ng akin uniforme.

Sinalubong nila ako bitbit ang malalapad nilang ngiti.

"Akalain mo ma, makakapasok ang anak natin sa isang magarang paaralan, anak ikaw na talaga!" niyakap ako ni papa. Nakikita ko sa mga mata nila ang saya na nararamdaman nila ngayon. Pati ako din hindi makapaniwala dahil simula sa araw na ito, ay bagong pahina ng storya ko.

Bagong paaralan, bagong titser, bagong kaklasse.

" Proud na poud kami sayo anak!" pati si mama niyakap nadin ako! Parang gusto ko tuloy maiyak kasi sobrang proud na proud sila sakin.

"Kahit mahirap lang tauo, sosyal na ang eskwelahan mo anak!!"

Ngumiti ako sa kanila. "Kaya nga pa at ma, aaral ako ng mabuti para sa inyo! Para maiahon ko kayo sa kahirapan!"

"Alam naming gagalingan mo dun anak." bulyaw ng mama ko.

Lumaki man ako sa kahirapan, masagana naman ang pagmamahal na nabibigay ng pamilya ko sakin. Dahil dun wala na akong kina asam-asam pa, kundi makatapos ng pag aaral para makamit ang buhay na gusto ko para sa kanila.

Kaya laking basbas ang nakuha kung balita nakaraang linggo. Nakatanggap ako ng schoolar sa Shing-Wa High school!

Isang sikat, pangmayaman at exklusivong paaralan sa boung Pilipinas. Hindi basta-basta ang sino-mang maka enroll dun. Swerte ko nga nakapasok nuh? Paano nangyari?

Matalino kasi ang lola niyo!  Mahigit sa isang daan na studyante ang nag exam, isa ako sa nakapasok!

Masaya ako sobra syempre, pero at the same time kinakabahan. Boung buhay ko nasa public school ako, kasama ko mga ordinaryong tao. Pero ngayon iba na, mga mayayaman at makapangyarihan na mga tao ang makakasama ko. Ayan na, pinapawisan na ang likuran ko sa tuwing naiisip ko kung ano mangyayari mamaya.

 Siguro wala naman, nagpaparanoid na naman ako. Tao naman sila, kaya wag na akong kabahan. Gagawin ko na lang kung saan ako magaling, at  yun ang pagiging invisible sa mata ng mga tao.


"Anak mag picture mo na tayo! Gawing memorable natin ang moment nato!" Excited sinabi ni papa.

" Pa, okay sana, pero may camera ba tayo?" Sabi nang kapatid kong si Charles at tumawa na lang ako.

" Wala ba? hehe" napakamot si papa sa ulo.

" Sana ate magka Cellphone na tayo nuh? Yung ibang classmate ko meron na nga eh." nakita ko ang pagsimangot ng mukha ng kapatid ko.

Hinawakanko siya sa baba niya. "Wag ka magaalala, iipon si ate para mabilhan kita." sabi ko.

Agad naman lumaki ang mata niya. "Talaga ate? Wow!! Sabi mo yan ah hehe. Tas' bilhan mo na din ako ng power rangers case! Yung mga kla-klasse ko trangsformers, pero mas maganda ang mga power rangers!" galak niyang sabi.

Ginulo ko na lang buhok niya." Kayo talaga, grade four palang kayo dami niyo ng alam."

Napatingin ako kay mama at nakita siyang palapit sakin na may dalang headband, kulay pink at may flower pa ha!

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon