Chapter 39- Ultimate MakeOver

16.4K 474 63
                                                  



STELLA

"Teka lang Kim!"  Waaa! Ayoko ko mag make over!!

"Bye anak! Sigurado ako hinding-hindi kana namin makikilala mamaya!" sigaw ni Mama habang palabas kami nina Kim at Daniella....Mali....HABANG KINALADKAD AKO NILANG DALAWA.

"Sige po Mrs. G! Salamat po ah"  nag smile silang dalawa at pinasok ako sa kotse, PINILIT IPASOK. Loko lang talaga ang mama ko! Pinamigay ako sa dalawang baliw na ito, para daw Imake over? Ano naman kaya pumasok sa mga kokoti nila para isipan yun gawin sa akin? At ito naman ang mama ko, natuwa pa!

"Yaa! Kim seryoso ka ba talaga sa make over chuba chuba na yan?"

"Syemre naman girl!" masigla niyang sinabi at pinaharot ang kotse. "Pero Kim ayoko ko talaga!" umiling ako. "Sige na girl! Trust be its gonna be fun!" sigaw ni Daniella na nasa likod. Ayoko ko talaga mag make over, baka ma disappoint lang sila sa resulta, paano kung pangit parin ako? Tsk.

"Anong fun? Baliw na talaga kayong dalawa iba na lang ang bigyan niyo ng make over wag na ako!" pilit kung lumabas sa sasakyan pero na lock naman ito ni Kim. "Tsk. Stella wag ka naman maging KJ, tsaka katuwaan lang ito." hiwatig ni Kim na pilit akong ipakalma

"Oo nga naman Stel, pag hindi mo nagustuhan pwede mo naman ibalik sa dati yang look mo. Tsaka ayaw mo bang makita kong ano ang resulta?" mahinang sabi ni Daniella.

Nagiisip pa din ako.

"Sige na girl! Payag kana!"

"Oo nga naman! Im sure maganda naman ang resulta. Tsaka malay mo magustuhan ka ng crush mo" naka ngising sabi ni Kim.

Haays Kim kung alam mo lang kung sino!

Pero napa isip ako, may magbabago nga ba kung gagawin nila yun sa akin? Gaganda pa ba ang isang nerd, manang, at dakilang nobody kagaya ko?

Humarap ako sakanila na parang baliw lang na nag pa-puppy eyes. Huminga ako ng malalim. "Tsk. Sige na nga. Pero yung simpleng make over lang ha?"

"Yaaaay! Oo naman! " sabay pa silang dalawa. Kulit talaga ng kaibigan kung shop-aholic.

Bahala na! Ano naman kung susubukan ko diba? Tsaka bakit tatanggihan ko pa ang chance nato para makita ang isa pang side ng mukha ko. Wala naman siguro mawawala!

*****

Habang naglalakad kami papasok sa mall, naka hawak naman silang dalawa sa braso ko. Bale nasa gitna ako nilang dalawa. Just in case daw tumakbo ako nakabantay parin silang dalawa sa akin =__=

"Lets go" aya ni Daniella papasok sa isang..optical shop?

"Teka akala ko ba pupunta tayo sa salon? Eh bakit--" napatigil ako kasi naka ngisi ang dalawa sa akin....WAIT....

Processing...

Loading...

Dont tell me na...

"Kung ano man ang binabalak niyo. Ayoko. Ayoko" umiling ako at tsaka umatras palayo sa kanila. "Stel naman dito tayo magsisimula, yan sa make over mo."

"Pero Kim, hindi ako sanay sa contact lens eh, tsaka kabago-bago lang to ng salamin ko."

"Don't worry masasany karin. Kaya lets go, wag na maarte okay?" wow. Ako pa daw ang maarte? Huhu.

"Ayoko, hindi naman kailangan niyan diba?"

"Oo nga pero, hindi mo ba naiisip na baka next day, next week, next month babasag ulit yang salamin? "

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon