Chapter 12- Peace

19K 562 34
                                                  

STELLA

Mag da-dalawang linggo na ako dito sa Shing-Wa Highschool, pero feeling ko sampung dekada ko na pinagtitiisan tong paaralan. Lalo na yung unggoy nayun na lagi na kang ako nilalait at inaasar. Tsk. Hindi ko nga alam kong bakit andito parin ako. Gusto ko naman mag transfer pero pinipigilan ako ni Mama at Papa.

Tinitiis ko lang para sakanila. 

Pumunta muna ako ng locker ko para kunin ang mga libro.

Sasara ko na sana ito pero pag harap ko..

AY KALABAW!

Napahawak naman ako sa dibib ko bigla, paano ba naman nakatayo lang bigla ang unggoy dito! Kasama nito ang walang emotion niyang mukha. 

Malamang aasarin ako nito! Di pa siya nakuntinto sa pangugulo niya sakin.

"Bakit?!" tama ba yun? Aga-aga sinisigawan ko siya. Che! Wala nga din siya paki-alam sa mga feelings ng ibang tao eh. Matapos ba naman gawin sakin yun sa mall nung isang araw.

Hindi niya ako kaagad sinagot. Nakatitig lang sa sahig. Anong meron diyan? "Kung wala kang sasabihin, padaanin mo nga ako."angkil ko at lumakad na ako palayo sa kanya nang may sinigaw siya...

"STELLA SORRY NA!" Automatiko ako napahinto agad...

Tinawag niya ako sa pangalan ko..Tsaka....nag SORRY? Haharapin ko nasana siya kaso nag lakad na ito palayo. Nakakapanibago..

Wee?

 Si Kendall ba talaga yun?

First time niya kasing binanggit ang pangalan ko . Hindi niya ako tinawag na tigre girl O bongangera, tapos nag sorry siya!!!Kinain niya? Hindi ko alam kung sincere siya..Napa ka bilis niya kasing sinabi eh... BAKA GUILTY LANG  TALAGA YUN!

Bahala siya. Akala niya sapat lang yun? Pwes hindi!

"Stell-" Hindi niya ba ako titigilan!

"Ano ba!"

NGEK! hindi pala si Kendall..si..si Alex pala. Huhu bastos ko naman. Nag pout siya.Huhu. Cute pa niya naman! 

"No no! Sorry Alex ha. Aala ko kasi si ah..Wala sorry talaga!" nginitian ko siya.

Agad naman ito ngumiti.  "Good morning ^_^"

"Hehe Goodmorning, pasensiya kana talaga ah"

"Okay lang yun." -sabi ni  Alex. "Ah kamusta na pala tuhod mo? Sabi ni Kendall natumba ka daw sa bike mo." dagdag niya. Sinabi pala ng unggoy sa kanya eh ang tagal na nun ah.

"Ah..ano...ah okay na siya hehe konting galos lang naman..Hehe" ano bayan! Lagi na lang ako nawawala at nalulutang sa mga tingin sa akin ni Alex! Feeling ko na dedeverginzed ako. Hehe. Joke.

"Mabuti naman, oo nga pala may  basketball practice kami mamaya. Kung gusto mo pwede kang manood." omg kinakausap talaga ako ni Alex ngayon. 

Yung puso ko tuwang-tuwa naman!

"Talaga! Sige! Manonoud ako!" galak kung sinabi at tumawa naman ito. Masyado bang obvious na excited ako? 

"Yoo!" napatingin naman kaming dalawa kina Ginno at Jacob na lumalakad palapit dito.

Napapikit na lang ako. Ugh. Yung dalawang to kasi baka isipin naman na may gusto ako kay Alex. Huhu.  Meron nga pero ayoko malaman nila!

"Bestfriend! Ganda mo ngayon ah!" kelan pa tong naging bolero si Jacob? Teka may kasalanan pa pala sa akin ang moko nato ah! Yung sila ni Thea. Pero ayoko ko muna kausapin siya...kasi namn andito si Alex. Ayoko pahiya sarili ko. 

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon