Chapter 40 - Former Nerd turns into Goddess (P2)

14.7K 396 71
                                                  


STELLA


"Kendall! Ano ba yan ang ginagawa mo?!" sigaw ko habang palapit sa kanya.

Di niya ako pinansin.

"Hoy! Sawa ka na ba sa buhay mo?!" susugod sana ulit kamay niya sa pader pero agad ko naman ito pinigilan. Problema nito? Ganun ba kalaki saltik niya, pati pader sinusuntok?

"Wag mo nga akong paki-alaman" inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at humarap ulit sa pader.

"Tsk. Tigilan mo na nga yan baka may masugatan" sabi ko, napansin ko kasi dumudugo na yung kamay niya. Pero siya parang wala lang.

"Bakit? Concern ka ba sa akin?" lumingon siya na naka ngisi.

"Asa! Sa pader ako concern! Kawawa yung pader oh, pinagsusuntok mo, na walang kalabanlaban." bigla naman nabura yung ngisi sa itchura niya at tumalikod ito at lumakad.

Hala?! Eto naman parang hindi mabiro!

"Kendall!! Paano kamay mo?" hinabol ko siya. "Hindi ka ba nasasaktan? Dumudugo na kaya." tumigil siya at hinarap ako.

"Hindi lang naman kamay ko ang....nasasaktan..." bigla siyang tumigil. Ano bang sinasabi niya? Di ko naintindihan eh. Hinintay ko lang siya, kasi akala ko may sasabihin pa ito. Pero Ilang segundo kami nagkatinginan sa isa't-isa bago ulit ito nagsalita.

He sighed..."Babalik na ako sa classroom" Ehh?

"Sira ulo kaba? Babalik ka kasama yang dumudugo mong kamay?" nakaturo ako sa kamao niya. Patuloy parin ang pagdudugo nito. Ba't kaya niya pinagsusuntok ang pader yun?

"Wala to" siya na mayabang. "No di pwede! Dadalhin kita sa clinic, tutal lunch naman mamaya." hindi naman ako pusong bato, nagaalala lang ako sa kamay niya. Kaya hinila ko siya hawak-hawak ang kabilang kamay niya, pero di nag tagal inalis niya naman to.

"Tsk. Ang tigas talaga ng ulo mo! Sabi nga na okay lang ako." wow ako pa daw ang matigas ang ulo? Eh ako na nga to ang gustong tumulong.

"Ewan ko sayo! Tara na"

"Ayaw!"

"Anong ayaw? Tara!"

"No!" parang bata lang.

"Tara na!" sinamaan ko siya ng Tingin. "Bakit ba ang kulit mo!" unggol niya. 

"Bakit ba ang sungit mo?!" sagot ko. 

Nagka-samaan kami ng tingin. Ano ba kasi ang kinain ng lalaking to'. Lagi na lang masungit, Ako na nga to mismo ang gustong dalhin siya sa clinic para magamot yang duguan niyang kamay, tapos siya sigaw ng sigaw sakin.

"Sus! Sabihin mo na lang kasi concern ka sa akin" at ngayon kumindat siya sa akin. Siya na may P.M.S

"Asa!" Oo concern na ako!

"Psh. Tinatago mo pa." sinamaan ko siya ng tingin, habang siya nanakatawa, na parang ewan habang dumudugo to'ng kamay niya.

"Tsk. Tara na nga sa clinic!" lumapit ako sa kanya, pero agad siyang lumayo tsaka umupo sa sahig at nag pa Indian style sit, at naka cross arm pa ito. Ano na naman kaya trip niya?

"Papayag ako sumama sayo, pero.." tumingin siya sa akin na naka ngisi at hinigpit ang pag kakaupo. "Pilitin mo muna ako"

"Nahihibang ka na ba?" hindi niya ako pinansin.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon