Chapter 46 - Tagaytay Getaway (Pt.1)

14.9K 437 23
                                                  




Nagising ako sa sobrang ingay sa loob ng bahay. Nagmumula ito sa kusina. Humikab ako at tumungo sa banyo para maghugas ng mukha pagkatapos nun nilagay ko yung eye contacts ko. Saglit lang narinig ko nagtatawanan na sila dun. Hmm...Lagi naman maingay dito, pero mga boses, ang iba. Para bang andito siya....kasi....Boses yun ni...

Hindi naman siguro!

Guni-guni ko lang to, nahampasan nga ang ulo ko diba?

Kasi naisip ko baka boses yun ni Kendall. Pero hello?? Imposible naman andito ang unggoy na yun sa bahay! Ano naman gagawin niya dito?  Nababaliw na atang tong tenga ko. Nag iimagine na kung ano-ano. Isa pa, Sem-break namin ngayon. At sigurado akong andun na lahat sila sa isang napakagandang lugar, nag eenjoy sa kanilang outing! Nagliligo sa malamig na dagat, nag rerelax sa ilalim ng araw.

Samantalang ako? Andito tutulong at tratrabaho! Mabait kasi ako hehe.

Tumingin ako sa oras at 9:45 am pa lang naman. Tsk. Gusto ko pang matulog eh. Kaso nawala na antok ko. Lumabas na ako at nagsimulang lumakad papuntang kusina.  At habang palapit ako....lalong umiingay banda dun.

"Haha! Grabi ang astig mo naman kuya!!"

"Oo nga master, di ko akalaing ganun ka pala ka lakas!"

"Hehe. Di naman medyo lang"

Pagdating ko dun,napatalon ako sa gulat kasi agad ang mukha niya nakita ko. Nanlaki mata ko at nag blink pa ako ng ilang beses kasi hindi ako makapaniwala!

Di pala ako nagkakamali?!

Andito siya?!

Naliligaw ba ang lalaking to?! Akala ko umalis na siya at nagbakasyon??

"Waa! Anong ginagawa mo dito!?!" Sigaw ko. Kasi naman eh! Aga aga andito siya at nakipag-almusalan sa pamilya ko pa! What the?!  Nananaginip ba ako? At saan naman galing mga pagkain nato? Puo yung lamesa!

"Ano ka ba anak. Aga aga ganyan ka makipagusap sa bisita natin." mariin na sabi ni mama.

" Ate tignan mo oh" kumuha siya ng pancake at tinaas ito sa akin. "Bigay to lahat ni kuya kendall!"

"Akin na yan! Wag mong kainin baka malason ka pa ng pagka-abnormalan niya." nilipat ko tingin sa kanya na naka ngiti naman ng malapad.

"At ikaw! Anong ginagawa mo dito?!"

"Stella!" Napatingin ako kay mama, na nanlilisik na mata niya sakin. Kulang na lang kakainin niya ako eh. Huhu. Takot na ako tuloy magsalita. Tsk. Huminga ako ng malalim at sinubukan kumalma, pasensya na kung galit ako pero shocks lang talaga!

Humarap ako sa kanya. "Ah...pwede bang malaman pakay mo sa pamamamahay ko? Huh? Oh baka naliligaw ka?" i said while grinning my teeth.

"Kumain ka na lang muna." tumayo siya at inalokan ako ng upuan, sige na nga umupo nadin ako.

"Ate oh, may bacon, pancake, brownies, ensaymada tsaka pizza! Bigay lahat yan ni kuya Kendall!" aliw na sabi ni Charles. Napatingin ako kay Kendall at di maiwasang bigyan siya ng half na ngiti.

Hindi naman ako masama o may pusong bato. Mukhang masaya sina mama at papa lalo na si Charles sa ginawa niya. Pero ano naman kaya naglanding sa ulo ni Kendall para gawin to? May lagnat ba siya?

"Master! Upo ka dito oh!" tumayo si papa at binigay yun kay Kendall, syempre umupo siya. "Masarap ba?" tanong niya kay Charles na tumango ito agad-agad. Weee? Close sila?

"Ikaw master di ka kakain? Nakahihiya naman ikaw pa nagdala ng lahat ng to'" sabi naman ni mama sabay dampot ng pizza sa bonganga nito. Nahihiya daw.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon