Chapter 10- Operation: Avoid The Breakers

17.9K 391 13
                                    


EARLIER

THEA's POV

"Beep"

Biglang nag ring ang phone ko at binuksan ang bagong message.

[From: Jacob: "Nasa labas nako =)"]

Hay. Salamat naman andito na siya, kanina pa kasi ako sa bakeshop nag hihintay sa kanya eh. Nag paalam na ako kay Tita Jenny, mama ni Stella at lumabas na.

"Hey there" bati niya sakin nung pumasok ako sa sasakyan niya. Nawala tuloy init nang ulo ko sa pagakahintay, ang gwapo niya sobra..Para siyang artista! 


"Ah..Hi" nahihiya kong sinabi at sinira ang pinto.

"Sorry pala late ako ha, may dinaanan lang."

"Psh! Ano kaba okay lang yun, dapat nga ako pag mag sorry kasi inistrubo pa kita ngayon." ngumisi siya sakin habang nagda-dive.

"Okay lang yun!"

Pinagmamasdan ko siya mag maneho, ang gwapo-gwapo talaga ni Jacob. Swerte naman ng bestie ko maging kaklasse niya. Matangos ang ilong flawless ang mukha at ang pink nang labi niya kahit malakas makipag inuman daw ito.

Hindi nako mag-akala kung bakit ultimate hearthrob siya at laging pinagkakagulahan nang mga babae.

"Asan nga pala si Stella? Nasa bakeshop ba siya?" tanong niya sakin. Naku! Oo nga pala hindi ito alam ni Stella. PATAY ako nun kapag malaman nya kasama ko ngayon si Jacob at hindi ko sinabi sakanya. Pambira naman kasi ang babae nayun 4th year na siya pero wala paring cellphone!

"Hindi ko nga alam eh, wala pa siya sa shop kanina at sabi ni Tita jenny hindi pa daw siya umuuwi"

" Ganun ba. Baka nasa school pa siya"nginitian niya ako.

Siguro nga naman. San pa ba siya sasama at san pa ba siya pupunta? Eh Sa shop, bahay at School lang yan ang pinagdadayuhan niya eh.

"Nga pala Jacob...hindi alam ni Stella to'"

"Talaga? Naku lagot tayo niyan. Alam mo naman siya, pag nakita niya tayo kung ano ano na lang iisipin" sabi niya tapos umilung ng nakatawa. "Abnormal kasi siya hehe." di ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko sa lalaking to'.

Nagdadalawang isip tuloy ako sa.....ah wala!

"Abnormal ba kamo? Haha parang pariho din yan sa kilala ko" ehh?

"Sino naman yun?" tinignan ko siua at ngumiti lang ito. Edi wag mo sabihin!

basta kahit na! Ang gwapo talaga ni Jacob. Pag ngumingiti siya, talagang napapakilig ka nito at siguradong mahuhulog sa charm niya. Waah! No di pwede.

Pinipigilan ko lang mahulog sa kanya kasi alam kong wala din akong chance sa lalaki nato at syempre lagot ako nito kay Stella. Binabalaan niya kasi akong chickboy daw siya at marami nang pinapaiyak na babae. At ayaw kong maging isa sa kanila.

Oo nga pala, baka inaakala niyo mag-dadate kami ni Jacob.

MALI!

**FLASHBACK**

Hay ang baho talaga nang basura xD malamang diba :P

" Thea right?" PUTEK napahawak ako tuloy sa dibdib ko. Humarap ako kong sino ang tumawag sakin.

Ay ang gwapong kaibigan lang pala ni Stella. Parang nahihiya ako sakanya tumingin.

"Ah..ako nga bakit?" hiya kong tanong. "You dropped this" inabot niya sa akin yung nalaglag kung susi.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon