Chapter 45- Fridate

14.4K 365 25
                                                  


STELLA

"Eto oh."

"Thankyou Alex." kinuha ko ang inabot niyang kape at umupo siya sa tabi ko. Inihipan ko ito bago ko ininom. "Ahh. Sarap." uminom ulit ako, ang sarap sa pakiramdamam kasi maiinit pa ito. Napatingin ako sa malayo at napaisip.

Ang daming nagbago sa nakaraang araw. Hindi ko parin ma papasok o ma proproseso sa isip ko kung paano ko ito tatanggapin, ang hirap talaga. Parang hindi pa ako handa.

"Wag ka na malungkot diyan, nawawala tuloy ganda mo." kahit papaano napangiti ako sa kanya.

Dito kami ngayon ni Alex sa garden ng school. Simula kanina nung tinakbohan ako ni Thea, si Alex na ang naging karamay ng problema ko. Hindi ko muna iniisip at pinag advantage ang sitwasyon na ito para isipin ang nararamdaman ko sa kanya, kinalimutan ko muna yun. Dahil sa halip andito siya para makinig sa akin, maging sandalan ko, at maging kaibigan ko.

"Alam kung mahirap tanggapin ang realidad. Na ang sariling kaibigan mo pa ang gumawa nun sa iyo, pero isipin mo atleast may ginawa siyang bagay para protektahan ka diba?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Isipin mo yung mga poster, mga sinabi niya sayo. Atleast diba binalaan ka niya? Sinubukan niya paring tulungan ka kahit na gusto niya magtagumpay sa plano nila.  Ibig sabihin kahit ganun ang ginawa ni Thea, nag try pa din siyang protektahan ka, inisipin ka parin niya." Kweninto ko kasi sa kanya ang nangyari.

Pero napaisip ako sa sinabi ni Alex. Kahit may galit si Thea kay Kendall, at alam niyang madadamay ako, inisip nga parin pala kapakanan ko. "Siguro. Pero mas mabuti padin kung sinabi niya sa akin ang totoo. Tignan mo, dahil sa galit niya sa taong yun, nawasak ang pagkakaibigan namin." parang sinayang niya lang ang mahigit sampung taong pagsasama namin.

"Mahirap nga tanggapin pero normal lang yan sa buhay..." napatingin ako kay Alex, parang naging malungkot na ngayon itchura niya.

He sighed.. "Dahil di lahat ng bagay sa mundo permanente. May mga bagay na dadating sa buhay natin para either, makatulong, makaturo ng leksyon."

Hindi ko pa nakikita ang seryoso at malalim na side ni Alex, para bang naiintindihan niya ako ng boung-bou. May hugot din ba siya?

"Ahh Sorry Stella ah, naging satsatan nako tuloy." nagpapilit siyang tumawa. Umiling ako. "Wag kang mag sorry, dapat nga magpasalamat ako sayo kasi nakinig ka sa akin at naiintindihan mo ako."

"Wag ka magalala basta sa susunod kung may problema ka, wag kang umiyak magisa. Lalo na sa gitna ng kalsada, baka pagkamalan kang baliw." ngumiti ako, kahit paano napa gaan niya ang naramdaman ko, at nakalimutan kung isipin si Thea..


"Thankyou talaga." ginulo niya buhok ko. Naku lang! Kung pwede ako kumilig gagawin ko talaga! Pero wag muna ngayon.

"Nga pala Alex....k-kamusta si Kendall?" siya na naman naisip ko. Kasi naman eh! Wala pa akong balita simula kagabi tungkol sa kanya.

Alam kung masamang damo at abnormal siya, kaya wala naman siguro may nangyaring masama sa kanya diba? Naku pag may nangyaring talaga sa kanya, di ko mapapatwad sarili ko! Napaisip ako, ilang beses na kaya ako niligtas ni Kendall?

Tsk. 

Madami kaya siyang sugat? Gamot na kaya mga pasa niya? Nakakain ba siya mabuti?

Nakakapagtaka lang talaga, ba't di kasi hindi siya lumaban sa mga yun!  Ang mga duduwag naman nila at sigurado akong kayang kaya niya silang lahat! Pero naisip ko, kung nilabanan niya nga sila, ano kaya mangyayari sa akin?

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon