Chapter 24- Mall take two

17.5K 507 35
                                                  

STELLA

"No. Ako ang sasama sayo" seryosong sabi ni Kendall. Sasalita pa sana ako pero agad naman ako kinaladkad palabas.

"P-pero Kendall si Geoff ang nagyaya sakin eh" saad ko habang pumipiglas. Pero hindi parin ako pinanpansin, patuloy pa din ang kad-kad sa akin. Abnormal talaga nito!

"Kendall!"

"Oii!"

"STITCH LOVER!" Wahaha na pa-automatic siyang huminto pero agad naman ako sinamaan ng tingin "Stop calling me that!" yun lang naman pala eh.

"Then bitawan mo ako" agad niya naman binatawan braso ko. Ewan ko ba 'to kay Kendall kung bakit siya nagkakaganito, hindi ko siya maintindihan. "Kendall kasi....si Geoff na ang nagyaya ka-" -___-

"Ba't ba gusto mo sumama sa oranggutan nayun!" grabi naman to orrangutan daw? "Dahil kaibigan ko siya." kalma kung sinabi.

"EH AKO!"

O__O

Nagulat naman ako sa sigaw niya. Highblood talaga ang lalaki nato. Teka....Bakit? Ano ko ba siya?

"B-bakit.....ano ba kita?"

"Ahh...bakit?" napakamot ng batok ito.

"Ano...ah..Bakit! Di mo ako kaibigan ha? ha?" sabat niya sabay turo pa ito ng daliri niya sakin.

Sasalita pa sana ako pero inunahan niya naman ako -.- "Wag ka na nga mag aarte diyan! Ako na nga ang nag mamagandang loob nasamahan ka tapos...gulo niyo mga babae!" pilyo niyang sinabi. Iba ngayon ang expression niya.

Bahala na nga! Ayoko ko naman sirain tong mood ni Kendall. Parang sincere naman siya na gusto niya akong samahan. Ewan ko ba kong anong kinain ng unggoy nato.

Abnormal talaga kahit kelan! Laging Unpredictable ang mood niya!

Ti-next ko na lang si Geoff na hindi kami tuloy, and syempre buti na lang mabait siya at naintindihan niya ito. 2:40pm na kami ni Kendall nakarating sa Mall. Saan pa ba? Kundi sa may aring mall nila.

Naalala ko tuloy ang unang gala ko dito, yun yung sinundan namin si Thea at Jacob. Tapos dito rin ako muntikan na ma-patay dahil kay Kendall -__- Di lang yan! Na magkamalan pa akong magnanakaw. BRAVO!

Siguro haunted ang mall nato sakin, lagi na lang kasi may nangyayaring masama. Nakakapagtaka lang na lagi na lang kasi si Kendall ang nagliligtas sa akin.

Bumaba na kami ni Kendall sa kotse, syempre ussual umuna lang ito lumabas. Thank the lord may kamay din ako, kaya ko na ang bumukas ng pinto.

"Waaah diba si Kendall Shing-Wa yan!!"

"OMG!! Ang gwapo niya talaga parang artista lang!"

"Sino naman yang girl sa likod niya? nakakasira ng view"

Yan agad ang narinig ko pagpasok namin ni Kendall sa mall. Oo na hindi kami bagay! Kaya isaksak niyo siya sa mga baga niyo. Ampupu lang kasi, magbubulungan sila tapos ang inggay pa. Sarap sila untugin eh. Napapawar freak na naman ako! Kasi eh.

Sinilip ko naman ang tingin ko kay Kendall at naglalakad lang ito na parang artista. Edi siya na pogi!

Saglit lang tumigil ito.

"Tigre girl! Wag kang umalis dito. Dito ka lang sa loob. Pag hindi kita nahanap kakalbo ako ng pusa!" -___-

Tumango na lang ako sakanya. Walang sense naman yung sinabi niya dadamay pa ng pusa saw.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon