Chapter 47- Co-incidence

14.6K 426 26
                                    

STELLA


"Explanation why you kissed me.." nakataas kilay niyang sinabi at agad namang nanlaki mata ko.

"A-anong ako..Hindi..hindi ah!" tinulak ko siya palayo sa akin. Teka...ako daw? Ako daw ang nag kiss?! Nag ka amnesia ba siya?

Siya kaya yung kusang lumapit....

"Totoo namn ah. Ikaw kaya lumapit at humalik sa akin." kalmado niyang sabi saka naglakad samantalang ako halos mawalan na ng oxygen.

Napatingin ako sa kanya at naka upo lang ito sa kanyang  kama habang sout-sout ang abot langit niyang ASARA na ngiti.Parang hindi ito nagkasakit eh!

Nakaramdam tuloy ako ng pamumula sa pisngi ko. Huhu. Pinagsasabi ng lalaking to? Nakalimutan na niya ba?

"Nahihibang ka na ba Kendall? F.Y.I ikaw kaya ang...l-lumapit sa akin..hindi ako.." agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Bakit ganito, pag siya,cool lang pagusapan to pero ako halos ikamamatay ko na,

"Asus! Kunwari kapang tigre girl ka. Alam naman natin dati mo pa akong gustong halikan eh!"

"Yaa! Nagkasakit ka ba talaga!" sinamaan ko siya ng tingin. Maka asar kasi parang okay na okay siya. Iba ang mood niya kesa sa may mga taong may sakit. Sabagay, abnormal pala ang lalaking to.

"May sakit naman talaga ako ah." pilyo niyang sinabi, pero hindi ako naniniwala sa expressyon ng mukha niya.

"Ewan ko sayo!" tatalikod na sana ako ng bigla niya ako hinila pabalik.

"Ayaw mo maniwala? Oh tignan mo." kinuha niya ang kamay ko tsaka pinatong ito sa leeg niya.

OUCH.

Oo nga ang init niya!

"See?" sabi nito. Nahihiya tuloy ako sa kanya, maiinit nga siya at ako ang may kasalanan nun tas eto naman sinisigawan ko na naman siya.

Napakamot ulo ako..."Eh..b-bakit kasi..bumalik ka pa. Sana dun ka na lang sa mansion niyo."

"Eh ayoko ko dun eh." tipid niyang sabay I-was tingin sakin.

"Eh ano gusto mo? Magkakasakit ka lalo? Ang abnormal mo  talaga. Di mo ba naiisip pag dun ka sa inyo magagaling ka ng mabilis at maalagaan ka ng mga tauhan niyo dun? Hin--"

"Gusto ko ikaw ang mag alaga eh."

Napatahimik na lang ako. Para bang hindi na nag fufunction ang isip ko.

Napatingin ako sa kanya at blanko lang ang expressyon nito.

T-tama ba narinig ko? Umaandar na naman ba ang illness talk niya? Umatake na naman ba siya sa pagkakaabnormal niya?

"Huh..ah.." ewan ko ba at yun na lang ang lumabas sa bibig ko. Bigla tuloy tumahimik dito. Sa sobrang tahimik may mga angel na nagpaparada sa likod ko.

"T-teka...parang tawag na ako ni Daniella.."

Yun lang naman ang sinabi niya pero bakit gumanito ako kaagad? Ah basta maka alis na nga dito! Tumalikod ako at paalis na sana ng..

"Stay here." automatiko akong lumingon sa kanya at nakita ko siyang nakahiga sa kama nito. OMG. Parang naninibago ako sa tono niya ngayon.

"Come here." ehh? Di ko alam pero lumapit naman ako.

"Ano?"

"Sit." Tinap niya ang kama. Sit daw, Grabi ha parang ginagawa niya akong aso dito.

"Eh kasi a--"

"I said Sit." Edi uupo na .

Umupo ako sa tabi niya, ano na naman kaya ang trip nito? Huminga siya ng malalim.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon