Chapter 35 Basketball Game

13.8K 360 25
                                                  


STELLA



Andito na kami ngayon sa Glendbrooke High, kung saan maglalaban ang Huskies sa mga Dragons. May kalakihan yung school nato pero kapag itabi mo yung Shing-Wa High sa Glenbrooke parang ka size lang ni Dagul yung school nato.

"Stella bibili kami ng tsiterya ano gusto mo?" Tanong ni Kim nakatabi ko. "Kahit ano na lang" sagot ko sakanya at tumango lang ito at lumabas kasama si Daniella. Close pala silang dalawa kasi magkasosyo din ang mga magulang nila sa business. Tsaka parehas silang half korean kaya may sariling mundo ang dalawa 'yun pag naguusap.

Hanggang ngayon di parin lumalabas ang Huskies sa changeroom, kararating lang namin kasi. Pero yung gym puno na, di pa nag uumpisa sold out na kaagad ang mga upuan dito. Pati ang mga Dragons may mga fansclub din, syempre ang fansclub ng huskies di magpapatalo! Kita mo oh, may mga banners pa!

Ewan ko ba pero ang gaan ngayon ng mood ko.

Dahil kaya okay na kami ni Kendall?

Andito pa din ako nakatayo sa sideline ng court, tsk. Hirap kasi humanap ng upuan!

Mayamaya pa ay lumabas na din ang mga Huskies. Agad naman naghiyawan at naging maiingay ang mga tao. Sa itchura at dating pa naman nila eh kikiligin kana eh. Lalo na si Alex. Naka jersey pa namam eto at kitang kita ang mga ehem....MUSCLES!

Sumunod na din ang mga Dragons, syempre mga fansclub nito ayaw mapapatalo. Mas naging malakas lang ng konti ang sigawan, palakpakan at hiyawan nila, lalo na ang mga babae sa likod ko. Kamusta tenga ko? Ito malamang babasag na.

Minasdan ko yung mga dragons habang nag wawarm up sila. Di ko masisi kung malupet rin ang tama nila sa mga babae. Bukod sa matatangkad eh ang gwagwapo at mga macho din ng mga to!

"Hoy Tigre girl! Andito team natin di dun" inis na sabi ni Kendall at may kasama pang batok sa ulo ha!

Teka kelan pa siya nasa harap ko?

"Aray ko Kendall! Ano ba problema mo?!" sigaw ko sakanya habang inaayos ang buhok ko. Tumawa siya ng mahina, weee si Kendall ngumiti at tumawa? kinain niya?

Pero minasdan ko ang mukha niya, at ....Masaya talaga ngayon si Stich Lover!!!

"Umm..." Nakatitig lang kami sa isa't-isa. Ano ba kasi sasabihin niya? Aasarin niya ba naman ako?

"May sasabihin ka ba?" tanong ko sa kanya. 

Ilang segundo pa ay lumapit siya sa akin...Ala??

Palapit siya ng palapit....

At tsaka nagulat na lang nang...

O_______O

Niyakap niya ako..

Niyayakap ako ni KENDALL?!?

"H-hoy! A-anong nangyayari sayo?!" sigaw ko sakanya habang nakayakap ang dalawa niyang kamay palibot sa akin. Hindi siya nag salita, pero rinig ko naman ang hininga niya dahil pinatung nito ang ulo sa baikat ko. Anyayari sa lalaki nato?!

Akala ko kakalas na siya, pero agad niya naman hinigpitan ang hawak sakin. Okay? What the hell is happening? Naka drugs b si Kendall? Di ko tuloy naiwasang amoyin siya. Haha ang Bango!

To naman ang abnormal kung puso, bumibilis ang takbo!

Ilang segundo din, kumalas ito, ako naman parang tanga naka nganga lang sa kanya. For sure namumula na naman pisngi ko.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon