Chapter 54 - Now or Never

14.1K 445 45
                                                  

STELLA




Its been what? A week?

Tama. Isang linggo na ang lumipas pagkatapos ng art contest ko at sa loob ng isang linggong yun, patong patong na ang mga nagbago.

Si Kendall. Siya ang pinaka malala sa lahat. Kwento sakin nina Jacob, bihira na ito pumasok sa klasse. Tumatambay ito palagi sa bar.

Dati grupo-grupo sila tumungo dun, ngayon siya na lang magisa. Magisang nilulunud ang sarili sa alak.

Buti na nga lang andyan si Jacob para iuwi siya palagi sa kanila, kung hindi sigurado ako masasabak yun sa mga ibang lasenggo. Palagi pa siyang may kasamang ibang babae tuwing pumunta siya dun, at sa tuwing iniisip ko yun naiinis ako na ewan.

Dahil sa ganong pagaasal ni Kendall, napapalayo din ito sa mga kaibigan niya. Lalo na kay Alex. Ni hindi nga sila nagpapansinan. Minsan gusto ko siyang kausapin pero pagtaboy at pagsusuplado lang niya ang natatanggap ko.

Na miss ko na ang Kendall na una kung nakilala. Yung kinukulit at inaasar niya ako. Kaso ngayon wala na yun, and im hoping for him to comeback, pero parang impossible.

Besides sa bad news, may magandang nangyari din naman. Tulad nang nangyari kina Jacob at Ginno.

Para bang gumising ang matagal na natutulog na esperito nila, at nagpapakita na sila sa klasse nila. Paminsan-minsan na lang sila nag cucut.

Hmm...Si Alex?

Heto. Simula nung nag amin kami sa isa't-isa palagi na kami mag kasama. Hatid sundo siya sakin, di lang sa klasse pati nadin sa bahay ko.

Nagkakamali kayo kung inisip niyo na kami na. Ill be lying kapag sinabi ko, hindi ako umaasang ligawan niya ako. Pero kasi diba, sabi niya gusto niya ako, tapos palagi pa kami magkasama.

Minsan gusto ko siyang tanungin kung ano ba talaga kami,pero ayokong isipin niya na dinadalian ko siya at inuunahan. Naghihintay naman akong sakali gagawin niya yun, pero kapag inisip ko ang isasagot ko, nag dadalawang isip ako. Kasi parang may mali...

Siguro mabuti na muna ang relasyon naming dalawa. Masaya naman ako kung asan kami ngayon.

Nawala din sa isip ko ang pinagkwentuhan namin ni Gabi, paano ba naman nilalayuan ako ni Kendall. So paano ko malalaman ang nararamdaman ko sakanya? Hindi niya nga ako magawang tignan kung nagkakasalubong kami.

"Youre zooning out again." natauhan ako ng hinawakan ni Alex ang kamay ko. Napakurap ako sakanya. "Okay ka lang ba?" concerned niyang tanong.

Nagkibit balikat muna ako at minasdan ang field ng skwelahan, masimoy ang hangin at kung saan kami lang ni Alex ang andito, nakahiga siya sa damuhan at nakaupo ako sa gilid niya.

"Oo naman." ngumiti ako sakanya at ngumiti din siya tsaka bumalik sa pagpipikit ng mata niya.

So ganito pala ang pakiramdam makasama at magkwentohan sa taong gusto mo...Iba siya sa enexpect ko...

Ganito kami palagi ni Alex, tahimik lang pagkasama, minsan nagkwekwento din siya at nagtatawnan kami, pero sandali lang yun.

I found my self sometimes, comparing his relationship with Kim, tsaka ang amin. Sila, madaming topic, palagi silang sweet at nagaasaran. Pero pagdating sa amin ni Alex...Hmm....Siguro nag aadjust palang kami.

"Malapit na pala birthday ni Jacob." out of blue nasabi niya yun. Tinignan ko siya.

"Talaga? Wow sigurado ako magpaparty ang lalaking yun." Paano kaya mag party ang tulad niya?

"Haha. Animal party ang lalaking yun eh." nawala bigla ang tawa niya. "But i know it will not be the same anymore." sabi niya habang umupo sa kahiga.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon