Chapter 46- Tagaytay Getaway (Pt.5)

14.8K 454 37
                                    

STELLA



Mainit at sobrang lambot ng labi ni Kendall...

WAAA!!!


Pagdilat ko ng mga mata ko, napansin ko nakahiga ako sa kama. Agad kung inikot ang aking paningin, andito ako sa isang kwarto, hindi siya yung hotel room namin, pero kaparehas ang itchura. Nakapagtataka, wala na ako sa kubo nung kagabi..

Kaninong kwarto ito? Napatingin ako sa bintana at nakita ang sikat ng araw, umaga na pala.

Napaupo ako at napansin ko ding iba na ang sout ko ngayon. Ano ba talaga nangyari? Paano ako naparito? Huli ko naalala andun ako sa maliit na kubo kagabi. Ano pa nga ba nangyari? 

Tumayo ako at naglakad-lakad. 

Okay. Una Umuulan, na stuck ako sa kubo, tapos dumating si Kendall tapos..tapos....

Tapos...

WAA!!!! Napahawak ako sa buhok ko habang mga mata ko ready nang lumabas sa mukha ko.

Naalala ko na!!

Magkasama kami nun kagabi, tapos ang init-init niya, lumapit kami sa apoy at dun...

Agad kung tinapon ang sarili ko sa kama sabay gulo ng buhok ko. Sinasampal-sampal ko pa sarili ko. 

HALA!. Totoo ba talaga nag...nag... kiss kami?

WAAAAA!!! Pag naiisip ko yun feeling ko sasabog puso ko! 

KYAAA!! Pwede naman sigurong panaginip yun diba? Pero bakit..Napahawak ako sa labi ko.

"Stella!"

Pagtingin ko sa pintuan, nakita ko si Daniella kakapasok lang. Sinubukan kung kumalma sa harap niya. "Buti naman gising kana. Kamusta na pakiramdam mo?" umupo siya sa kama at nakatingin sa akin na may alala sa mukha niya.

"O-okay naman ako.." sabi ko at bigla siyang lumapit sa akin tsaka hinawakan ang noo ko. 

"Bakit?"

Huminga siya ng malalim. "Buti naman hindi ka na maiinit kagaya nung kagabi. Sobrang nagalala kami sayo nun, lumiliyab ka kasi sa init!"

Binigyan ko lang siya ng blankong tingin. Ako? Maiinit daw kagabi? Ibig sabihin naabala ko pa sila? Huhu.

Pero naguguluhan parin ako, wala akong naalala na mainit ako kagabi. Ang alam ko lang, magkasama kami ni Kendall at siya yung masama ang lagay hindi ako. Anyari sakin? NAG KA-AMNESIA BA AKO?!

"Daniella...Paano ba ako naka punta dito? Nahanap niyo ba kami kagabi?" saglit lang ay siya naman mismo ang may blankong tingin.

"Huh? Hinanap? Hindi ah. Nang dumating na kami dito sa hotel galing videoke house, nagulat na lang kaming lahat nung bumalik kayo ni Kendall at buhat-buhat ka niya. Basang basa nga kayo nun. Sabi niya daw na stuck kayo pauuwi at nakatulog ka. Nang dumating kayo dito, mataas na yung lagnat mo. kaya nagdesisyon siya na dito kana lang matulog sa kwarto ko para maalagaan kita."

Napatahimik lang ako sa sinabi ni Daniella. Kaya siguro sumama lagay ko dahil nababad ako sa ulan. Pero kung si Kendall ang nagdala dito sa akin...ibig sabihin totoo talaga ang nangyari kagabi?!?! Hindi panaginip o imagination yun?!?

Napahawak ako sa labi ko bigla..

Hindi ako mapaaniwala si....si Kendall ang

FIRST KISS KO!! KYAA! Napatayo balahibo ko nung naalala ang gabing yun.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon