Chapter 61- Baby

15.6K 379 27
                                                  



STELLA



"Ayan, all set na ang ingredients natin." sabi ko pagkatapos kung nilagay sa ibabaw ng lamesa ang mga sangkapan. Di ko alam, pero bigla akong na excite sa ideayang pagbabake nang pagkain si Kendall para after snack niya sa basketball game mamaya.

Para bang inspired all of a sudden.

Minasdan ko saglit si Daniella na animoy papasok na ito sa cellphone niya.

" Hoy!"

"Asus!" muntikan na ito mapatalon sa gulat kaya napakamot ito ng ulo niya.

 "Stella naman, balak mo ba akong bigyan ng sakit sa puso?" sambit niya, pero pagkatapos ng ilang segundo tumingin ulit ito sa cellphone at biglang lumaki ang ngiti.

Tinaasan ko siya ng kilay. " Ang saya mo ngayon ah."

Tinignan niya ako. "Huh? Ah w-awala." tumanggo-tanggo ako sa kanya habang binibigyan ko siya ng suspicious look.

" Sige na mag umpisa na tayo. Baka di pa natin maabutan ang laro nila. Magkaka world war three pa kayo ni Kendall." tsaka niya pinasok ang cellphone sa bulsa niya at umiwas ng tingin. 


Siningkitan ko siya ng mata, may tinatago kasi itong kaibigan ko sakin eh!! Wala naman akong lahing tismosa, pero gusto ko malaman sino yang ka text niya! 

Nagkakaroon na ba siya ng the one niya? Ayieyie! Kung meron gusto ko ma meet!!

Pero tama siya, konting oras na lang ang natitira bago mag start ang laro nina Kendall. Wala na akong time para makipag-kutsawan sa lablife niya. Ayoko ma late sa game nila Kendall.


Tinext ba naman ako ng  [*Come or else...*]

Oh diba !  Kahit sa text, nangingibabaw padin ang nanghahari niyang aura. Natakot ka ako pagkabasa ko nun, agad kung iniimagine ang nakakatakot niyang tingin at ang pamamakdol sa boses niya.

Sinimulan ko nang buksan ang mga fresh na fresh na strawberries para sa cookies namin.

Special tong cookies, kasi ako mismo ang unang mag iimbento ng strawberry vanilla cookies!! Oh diba bonggang effort ko! Pero kung may nauna na palang gumawa nun, hanapin ko siya at mag so-sorry ako sakanya. 

"Teka, girl. Bakit pa ba kasi natin kailangan ibake sila ng cookies kung pwede lang naman tayo makipag chibugan sa goldilocks, di nga sa red ribbon." ani ni Daniella habang nilalaruan ang spatula.

Lumapit ako sa lamesa at nagumpisang buksan ang mga ingredients. " Ewan ba, feel ko lang ata ibake siya." pagksabi ko nun, automatiko na lang ako napangiti.

"Asuuus!" giit ni Daniella at palarong hinampas ako ng sandok sa pwet.

" Tignan mo ang ngiting yan, mukhang inlove na inlove ka na kay Kendall eh! Tss.Paiinosenteng virgin ka pa diyan." tinignan ko siya habang nakabukas ang bibig ko in an "o" shape.


" Pinagsasabi mo! Sira ulo ka na talaga." Grabi naman tong si Daniella, kung ano ano na lang iniisip eh.

Tumawa ito. " Bakit? Wala naman akong sinabing masama ah. Ikaw ata ang nagiisip ng ano diyan." sabi niya na may halong pangongonsensya sa boses tsaka ngumisi. Napailing na lang ako at tinignan ang recipe.

" Itong unang i-mix diba?" tanong niya at tumanggo ako tsaka niya hinalo ang harina sa itlog at gatas. Preni-heat ko na ang oven tsaka bumalik sa counter at sinimulang i-minced ang mga strawberries.

Haaaay . Ang ganda talaga ng araw na ito, pati mood ko, feeling ko lilipad ako sa tuwa. Adik na yata ako nuh? Oh well, masaya lang ako!

"YOU!!"

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon