Chapter 58- Lovers or Quarrel Experts

14.4K 437 33
                                                  

STELLA

"Alam mo ito na ata ang pinaka payapa na hapon sa kaysaysayan ng campus natin." sambit ni Daniella habang palabas kami sabay ng classroom. Dahil uwian na, kumalat na kaagad ang mga studyante sa daanan.

"Ba't mo naman nasabi iyon?" tanong ko. Naku, payapa daw? Tss. Sabagay wala siyang ideya sa pinag-gagawa ng pinsan ni Kendall sa araw ko ngayon.

"Kasi wala sina Jacob,Ginno,Alex.Kendall...Tsaka nakapagtataka dahil wala lahat ng Huskies dito. Co-incedence ba yun?" Oo nga. May point siya, asan kaya mga yun? Pagkatapos nilang pinakilala sakin si Kysler, ni anino nila di ko na nakita.

"Psst!"

"Hey! Crazy girl!"

"Wait up!"

Napakagat ako sa labi nang narinig ko ang boses ng tumatawag sakin. Hindi ko alam kung bakit, pero boses pa lang niya, agad na kumukulo ang dugo ko. Ewan ko, malamang dahil mapait at hindi maayos ang unang pagkakilala namin.

Nanlaki mata niya. "Oh, diba pinsan yan ni Kendall?" bakas ang pagiba ng mukha niya ng nakilala niya ito. "Mukhang tinatawag ka Stel." siniko ako nito sa gilid, senyas niya para harapin ko yun.

Ba't ko naman aaksayan ng panahon ang lalaking yun, eh pati pangalan ko di nga lang ako matawag tawag! Sambit ng bandang utak ko.

Hmp!

Kinamot ko ang ulo ko. "Huh? P-paano mo nalaman? Baka hindi ako yun. Nu kaba...T-tara na! Baka paalis na ang bus!" mabilis kung sinabi at kinaladkad na siya, pero somehow mas malakas siya kaya nahila nito ako pabalik.

"Hindi ah...umikot ka kaya mukhang ikaw ang tinatawag." huminga siya ng malalim at tinaasan ako ng kilay "Tsaka, girl ah...Kelan ka pa nag bu-bus?" nakataas ngayon ang kilay niya at binigyan ako ng Huli-ka-look.

Bago pa ako maka depensa ng sarili, dumating na ang enggot este si Kysler.

"Hey Crazy girl!"

Mapantukso akong binati ng englashanong enggot. Nag kunwari akong ngumiti kahit nainis ako sa tinatawag niya sakin at sinuklian niya naman ako ng mas malaking ngiti, yung tipong kita mo ang lahat ng ngipin niya.

Agad ako natauhan ng napansin kung nakatitig na pala ako sa itchura nito. Amp! Taas noo akong nagcrossed arm.

"M-may kaikangan ka ba?" casual kung tanong. Hindi naman sa tinatarayan ko siya sa unang araw niya, pero talagang puno na ako sa pag bwibwisit ng lalaking to.

Paano ba naman, magkaklasse kaming dalawa sa tatlong subject, tapos non-stop pa akong binubwesit sa mga walang kwenta niyang tanong at biruan. Samahan mo pang wala sina Jacob at Ginno kanina, kaya yun ako ang ginawang entertainment.

Ang malala, englishero pa siya. Amp! Haay naku, di tuloy ako nakapag concentrate ng maayos sa lectures! Wala talagang duda na magkadugo sila ni Kendall, lalo na'y expert ito sa pangiinis.

Bumalik ang tingin ko sa kanya at napansing may kinuha itong pamilyar na cellhpone sa bulsa niya at inanggat sakin. Teka...

Napanganga ako sa inabot niya.."Yup. I came all the way here to tell you Its yours, you forgot it on your desk." nakanganga padin ako.

Weh? Paano? Kinapkap ko ang bulsa ng skirt at bag ko, pero wala nga yung celllphone ko dun! Hala! Wala nga! Huhu, patay ako pag nawalan ko yun, hindi ako mapapatawad ni Kendall. Siya pa naman nag bigay sakin nun.

Atat kong hinablot sa kamay niya at na compirma ngang akin nga iyon dahil sa itim na case nito. Dahan dahan ding bumalik sa normal ang paghinga ko.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon