Chapter 41 - Saved by Prince Charming

15.2K 471 49
                                    

Next day.. (Lunctime...)

Search: Geoff Montelino..

·1 Result ·

"Ayun click natin!" masiglang bulyaw ni Daniella sa harap ng computer. Pag ka-click nito tumumbad ang facebook profile ni Geoff sa screen. Dito kami ngayon sa loob ng computer lab ni Daniella.

Dahil gusto ko din alamin ang mga pinag sasabi sa akin nina Ginno hapon, kung totoo nga bang masamang tao siya o trip lang nila sabihin sakin yun. Kaya nag suggest si Daniella na gamitin ang facebook para alamin ang tungkol sa kanya.

Ba't di na lang kasi sabihin nila sa akin ang tungkol dun? Kung ano ang kinalaman ni Geoff, kung totoo bang maghihigante siya kay Kendall. >__< Haaays. Pinapatay nila mga brain cells ko. -,-

Habang sine-sco-scroll down ni Daniella , nakita namin ang mga iba't-ibang status at mga pictures na pinopost nito.

· Gala sa E.K, kickout naman tayo!· 12 hours ago

·Taena. Pasalamat ka hindi kita pinilay! Haha· 10 hours ago

·Mga tao talaga, madaling utuin ngayon.· 2 hours ago

"Da-Daniella...sigurado ka bang kay Geoff yan?" tanong ko. Parang hindi eh...Parang ibang tao.

"Oo girl. Sure na sure ako. Teka...tignan natin ang mga litarto niya" clinick niya yung isang album na pinost nito kahapon.

"Woah" parehas kami nagulat ni Daniella sa nakita namin. Halos lahat ng litrato niya galing sa bar, at nakipag inuman ito. Sa isang litrato, naka tayo siya sa gitna ng dalawang babae, may hawak na isang sigarilyo sa isang kamay niya at isang bote naman ng alak sa kabila niyang kamay.

Si Geoff ba talaga to? Bakit iba ang dating niya ? Aish. Naguguluhan ako na ako tuloy!

"Stel...tignan mo oh na go-goosebumps na ako. Parang mali ang akala natin kay Geoff" tinignan ko lang si Daniella na parang hindi din mapakaniwala sa nakita niya. Binalik ko ulit ang attensyon ko sa computer screen at the more I click 'next' sa mga album niya, parang ibang 'Geoff' ang  natutuklasan ko.

"Tama ka diyan Dan, pati ako kinakalibutan din" sabi ko pero nasa screen padin ang tingin. Kaya ba lagi siya naka long sleves kasi tinatago niya ang mga tatto niya?

Tama nga ba ang pinag-sasabi nina Ginno tungkol sa kanya? Na hindi siya yung tipong tao na akala kong mabait? Aish.Pero bakit kailangan niya pang magpanggap maging ibang tao dito sa school?

Bakit di niya na lang sugudin si Kendall? At ano naman ang motibo niya sa akin? Naging malapit kaya siya sa akin, para maging malapit din siya kay Kendall?

Ugh! Feeling ko sasabog na ulo ko sa daming tanong! Naguguluhan ako ng todo!

"Naku!" napasigaw si Daniella tsaka humarap sa akin. "Paano kaya kung totoo nga ang mga sinasabi nina Ginno? Na ginagamit ka lang ng mokong Geoff na yan sa plano niya? Huhu. Natatakot na ako para sayo Stel." Napaisip ko, paano kung tama siya?

Lumapit sa akin si Daniella at niyakap ako. "Huhu. Pag nakita ko yang si Geoff, kakalbuhin ko siya!" Hinamas ko na lang likod ni Daniella, kasi naman eh. Parang mas na over react pa siya keysa sa akin. Pero...kung totoo nga yun.....di ko alam ang gagawin.

"Ibig sabihin...." kumalas siya at tinignan ako ng seryoso "Pina kick out ni Kendall si Geoff para protektahan ka!! Kasi napansin niya masama siyang tao!! Tsaka naamoy niya siguro ang masama niyang plano!! Tsaka hindi siya slow katulad mo!! Waaa!!" para tong kalog si Daniella. Hinakawan niya ako habang tumayo at nakipag talon-talon kasama ang malapad niyang ngiti.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon