Kabanata 10: Deal

Magsimula sa umpisa
                                    

"Akin na ang kamay mo," sambit ni Scion. Nagdadalawang isip akong ibigay sa kanya ang kamay ko pero hindi naman siguro siya gagawa nang masama. Alam naman niya na ang kamay ko lang ang makakapagbalik sa kanya sa mundo nila, "Kailangan nating magkasundo."

"Magkasundo? Ito na nga--" Bago ko pa maituloy ang susunod kong sasabihin ay kinuha niya ang kamay ko at sinugatan niya ang palad ko gamit ang maliit niyang kutsilyo, "Ouch!"

Ang hapdi.

Anong ginagawa niya? Akala ko ba magbabago na siya? Bakit niya ako sinaktan?

Pero ang nakakagulat, sinugatan rin niya ang palad niya. Parehong dumudugo ang mga palad namin. Kinuha niya ulit ang kamay ko at hinawakan niya iyon gamit ang duguan din niyang kamay.

"Ikaw at ako ay pumasok na isa isang kasunduan na hindi pwedeng mabali. Kung sino man ang hindi tumapad sa kasunduan na ito ay siyang magbubuwis ng buhay."

Umilaw ang mga kamay namin.

Alam ko na kung ano ito, nakakahiya na hindi ko agad na-gets ang bagay na ako ang gumawa. Paano ba naman kasi, hindi mawala sa isip ko ang pagtitig niya sa akin kanina.

Ito ang kasunduan ng buhay.

Ako mismo ang gumawa nito pero bakit bigla akong kinabahan?

Hindi naman ako susuway sa kasunduan namin, eh. Magiging mabait ako sa kanya at kapag napatunayan ko naman talaga na nararapat nga siya kay Weiming, babaguhin ko ang istorya at sila na ang magkakatuluyan.

Pagkawala ng puting liwanag ay siya ring pagkawala ng mga dugo sa palad namin.

"Alam mo ang ritwal na iyan, hindi ba? Ikaw ang gumawa n'yan," sambit ni Scion. "Umuwi na tayo sa inyo dahil baka hinahanap ka na ng tiyahin mo."

Hala! Anong oras na nga pala! Baka kanina pa ako hinahanap ni auntie. Sana nakuntento na siya sa pera na nakalagay sa lamesa kanina.

Binilisan ko ang lakad pauwi. Nakabuntot lang naman sa likod ko si Scion. Nangako naman siya na hindi na siya hihiwalay sa akin.

Ilang minuto lang ang inabot at nakauwi na kami. Hingal na hingal pa ako. Bawal sa akin ito pero dahil sa takot na magalit si auntie, ginagawa ko na lang kahit masama sa akin.

Papasok na ako sa loob pero hinila ni Scion ang likod ng damit ko, "Sandali, paano ako?"

Ito na ang problema.

Paano ko nga pala siya mapapasok sa kwarto ko? Hindi naman siya pwedeng makita ni auntie dahil patay talaga ako do'n. Sabihin pa niya ang landi ko para magpatuloy ng lalaki sa kwarto ko. Kaya ko lang naman pinatuloy dito ang lalaking 'to dahil wala akong choice! Isa pa wala naman namamagitan sa amin ni Scion.

"Lilipad na lang ako papunta sa kwarto mo," Agad akong umiling. Nahihibang na ba siya? Baka mamaya may makakita pa sa kanya, eh. "Bakit hindi? Iyon lang ang paraan na naiisip ko."

"Baka may makakita sa'yo, hindi pwede," diin ko. "Mag-isip pa tayo ng ibang paraan."

"Ano naman kung makita nila akong lumilipad?"

"Nahihibang ka na ba? Walang kapangyarihan ang mga tao dito, kaya isang malaking gulo kapag may nakita silang katulad mo. Mahihirapan tayong kumilos kapag may nakaalam ng totoo mong pagkatao," napabuntong hininga na lang ako. Ang hirap din pala itago ni Scion sa ibang tao. "Sa motel ka kaya muna? Kaso mauubos naman ang pera ko?" Bulong ko sa sarili ko.

"Gagamit na lang ako ng shunyi," pinanglakihan ko siya ng mga mata. Nahihibang na ba siya? Mag te-teleport talaga siya? Manghihina siya ng ilang oras. 'Yon ang kapalit ng paggamit ng shunyi o teleport. "H'wag kang mag-alala, sandaling panahon na lang naman ako nanghihina kapag ginagamit ko 'yon."

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon