Mahal, Hindi Ako Okay

25 0 0
                                    

Mahal, Hindi Ako Okay
By QueenSandok
May 14, 2018

Linggo ng umaga
Nagising akong magtatanghali na
Unang bukas ko, mensahe mo ang bumulaga
Bumati ka ng iisang salita
"Morning" yun lang at wala nang iba
Hindi na nasundan pa ng kahit isa pang salita
Lumipas mga segundo, minuto hanggang sa oras na ang lumipas, gusto ko nang kumaripas ng takbo patungo sa iyo dahil nakailang mensahe na ako ngunit nakatanggap lang ako ng malamig mong "Oo"
Mahal, unti-unting naglilikot ang isip ko at kinakatakot ang huling patutunguhan nito
Unti-unti kong nang inaalala ang mga ginawa ko
Binalikan ko ang mga sinabi mo at ang mga sagot ko
Hinahanap ko ang mga mali sa sarili ko
Inalala kung anong ayaw mo
Mahal, wala akong makita
Wala akong makitang mali dito
Pero bakit ka ganito?
Isang litrato ang ipinakita mo
Ang sabi mo'y "Baliwalain ang tanong mo"
Kung normal na tao ang titingin marahin ay tatawa ito
Pero mahal, dito ko nakita ang mali sa likod ng sabi mong "Okay lang ako"
Mahal, hindi
Hindi ka okay, at hindi ako okay
Unti-unti kong napagtanto ang mga bagay
Unti-unti kong nabuo ang magulong larawan
Unti-unting luminaw sa isip ko ang dahilan
At hindi ako okay doon

Hindi ko binalewala ang tanong mo kung papaano nga ba matatakasan ang depresyon
Hindi ko binalewala na imbes na kaibigan mo o ako ang tanungin mo ay mismong app ang tinanong mo
Hindi ko binalewala ang mga nasa listahan ng mga kausap mo
Hindi ko binalewala ang mga nanlalamig mong mga sagot
Hindi ko binalewala ang mga pekeng tawa mo
Mahal dahil alam kong ito ang dahilan
Malungkot ka
Hindi ka okay
Masikip ang dibdib mo
Galit ka sa mundo
May tampo ka sa ina mo
At ngayon ko napagtanto kung bakit ka nagkaganito
Ayaw mo akong madamay sa gulo
Ayaw mong malaman ko ang lungkot mo
Pero hindi ako okay na ganito ka
Hindi ako okay sa mga malalamig mong salita
Hindi ako okay kausap ka habang may luha
Hindi ako okay na tanungin ka kung ayos ka lang sabay sagot mo okay lang
Hindi ako okay na hindi ka okay
Mahal kita, halika't magsabi ka

Tears Per Lines [Poetries]On viuen les histories. Descobreix ara