"Laban Pa"
Words by: Via Aiv / QueenSandok
Date posted: October 29, 2017 , 9:45 pmBasta malungkot ka sa walang partikular na problema.
Basta napapagod ka kahit wala kang ginagawa.
Naiinis ka sa sarili mo dahil hindi mo na alam ang dapat madama.
Maliban pagod, lungkot at kawalan ng pandama hindi mo magawang maging masaya.
Iniisip mong nababaliw ka dahil natatawa ka.
Natatawa ka dahil pinipilit mong sumaya sa harap nila.
Kahit sa loob-loob mo wasak na wasak na ka't kaunti nalang ay susuko na.
Ayaw mo na.
Pero hiram lang ang buhay at kapag ikaw ang nagbalik ay wala nang balikan pa.
Kapag tinapos mo'y tapos na talaga.
Kaya sige, tiis lang kahit ang hirap hirap na.
Dahil alam mong may mga tao sa paligid mo na kahit hindi ka maintindihan ay labis mong pinapahalagahan
At dahil mahalaga sila ay hindi mo gugustuhing mawala't iwan sila.
Kaya sige, laban pa.
YOU ARE READING
Tears Per Lines [Poetries]
Poetry"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...