Gurong Magsasaka

72 1 0
                                    

So this poem is dedicated to our Filipino teacher. I wrote this one as our gift for him this coming Teacher's Day (Oct. 5) because he really loves to write and read poetries and he inspires us a lot.

***
Gurong Magsasaka
Written by: Via Aiv / QueenSandok
Date posted: September 5, 2027 , 10:04 pm

Isinulat ko itong tulaan
Para sa aming gurong huwaran
Ito ay may sukat na sampuan
Kung mababasa mo'y karangalan

Ikaw na aming ama-amahan
Madalas rin naming kakwentuhan
Musika't akda ang kasangkapan
Batayan rin ang katotohanan

Mga musikang iyong binida
Mga akdang iyong pinabasa
Kay laki ng iyong impluwensya
Ang karaniwang tao'y kami na

Kaya't nakakatuwang isipin
Sa sandaling pagsasama natin
Kay dami nang natutunan namin
Pati mga katotohanan rin

Ngayon, kayong mga kaguruan
Kayo ay dapat paglaanan
Kahit isang araw na pahinga
Na may panibagong alaala

Salamat sa iyong mga turo
Salamat sa iyong mga payo
Salamat sa extra kaalaman
Na hindi namin malilimutan

Patawad kung minsan ay makalat
Kung kami ay maingay, patawad
Ilang beses ka na ngang nagtampo
Kung kaya't pambawi na 'to sa 'yo

Sir Cruz na kabog si Coco Martin
Sa mga tula n'ya'y kikiligin
Mapapabilib sa pagpa-fanboying
Iyan ang Mister Jason Cruz namin

Ito ang aming munting regalo
Na inspired sa 'yo at sa gawa mo
Sana 'y nagustuhan mo ito
Masaya kaming nabasa mo 'to

***
Happy Teachers' Day!😁

Tears Per Lines [Poetries]Where stories live. Discover now