'Wag Ang Tulad Niya

70 0 0
                                    

'Wag Ang Tulad Niya
Words by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: September 30, 2017 , 3:48 pm

Maaari mo siyang mahalin
Pero huwag mong paluluhain
Maaari mo siyang pakiligin
Ngunit huwag mong wawasakin
Maaari mo siyang itaas
Pero huwag mong iiwang walang alas
Mahina siya
Mahina ang tulad niya

Limitado ang tulad niya sa mundo
Madalas makita, madalas nasa paligid mo
Ngunit hindi mo mahahalata
Hindi mo makikitang mahina siya

May matapang na mahina
May mahina na matapang
May panay ang sigaw sa harapan
Pero wasak na ang kalooban
May tawa nang tawa sa likuran
Pero wala nang matakbuhan
May isa kang kausap na hindi mo inaakala
Sa tingin mo ay masaya siya
Sa tingin mo ay malakas siya
Dahil base na rin sa 'yong nakikita

Ngunit 'wag siya
Kung manloloko ka lang, 'wag siya
Kung trip mo lang lahat, 'wag siya
Kung pinageeksperimentuhan mo lang ang pag-ibig, 'wag siya
Dahil kapag pumalpak at hindi siya nakahawak
Siya lang ang malalaglag, siya lang ang wasak
At hindi niya kaya
Dahil mahina siya

Magmahal ka ng mahina, tulad niya
Kahit siya'y banal, handa 'yang sumugal
Kahit siya'y mahiyain, handa siyang umamin
Kahit siya'y nag-iisa, handa ka niyang makasama
Dahil kapag nagmahal ang mahina, handa siyang baguhin kung sino siya para sa taong mahal niya
Kaya niyang gawin ang hindi niya makaya noon
Kaya niyang isugal ng walang pagaalinlangan ang kahit anong mayroon siya basta para sa 'yo
At kaya niyang maging matapang para isugal ang mahina niyang puso dahil mahal na mahal ka niya at sana pahalagahan mo

Pero 'wag na 'wag mo siyang sasaktan
Maaaring nagbago siya ngunit siya pa rin 'yan
Mahina pa rin siya at pilit nagpapakatatag
Sa bawat galaw niya'y may bumabagabag
Takot siyang magkamali sa 'yo
Takot siyang maging pangit sa harap mo
Pinipilit niyang maging perpekto
Kahit mahirap at kabaliktaran niya mismo
Aalamin niya ang tipo mo
At 'yon ang gagawin niya sa harap mo
Gano'n magmahal ang tulad niya
'Yan ang sikreto sa likod ng ngiti niya

Kaya 'wag mo siyang sasaktan
'Wag na 'wag mo siyang sasaktan
Umiiyak siya tuwing gabi
Nakatulala sa isang tabi
Tinatanong ang mga pagkakamali
Kinukwesto ang kanyang silbi
Nasasaktan na niya ang kanyang sarili
Nakapikit ngunit humimikbi
Takot sa liwanag, hindi maipaliwanag
Ayaw ng kausap, kahit sa tawag
Matagal siyang sumama ang loob
Kaya niyang magtago ng kirot
Pero hindi ibig sabihin ay paglaruan mo
Dahil sa 'yo lang 'yan naging totoo

Pakiusap, kung wala kang nararamdaman
Maaari mo siyang iwanan
Ngunit bigyan ng matinong dahilan
May utak 'yan at kaya kang maintindihan
Kung masasaktan man siya ngayon
Mabuti kaysa lumalim pa iyon
Mas mabuting maagap ka
Dahil mahihirapan siya kapag nagtagal siya
At kung aalis ka, 'wag lang pag-iwas
Dahil hindi maghihilom ang butas
Umalis ka na malayo sa kanya
'Yong hindi ka na makikita pa
Dahil sa kada paglapit mo
Nag-iisip siya ng kung ano ano
Lahat ng mali ay itinatama
Lahat ng wala nang pag-asa, binibigyang pag-asa
Iparamdam mo sa kanya na tapos na
'Wag ka nang magpakabait pa
Dahil kung iniisip mong mapapabuti sa kanya
Nagkakamali ka dahil nasasaktan siya
Mahina ang tulad niya
Tulungan mo siyang makabangon ulit
Sa pamamagitan ng isang pasakit
'Yong matinding sakit
At hindi na mauulit
Dahil sa paglipas ng panahon
Matututo siyang bumangon
Siya na mismo ang hahanap sa 'yo
Magpapasalamat sa pananakit mo
Magmimistula kang guro sa kanya
Dahil matututo siyang magtanda
At sana ...
Sana lahat ng payo ay maisabuhay mo na
Sana mamaya ay magawa mo na
At itatak sa isip mo na
'Wag ang tulad niya

Tears Per Lines [Poetries]Where stories live. Discover now