Wala Ka Na Namang Alam

30 0 0
                                    

Wala Ka Na Namang Alam
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: October 8, 2017 / 3:40 PM

Noong unang beses
Noong unang araw
Hindi ako makaalis
Hindi ako makagalaw
Kasi nandito ka sa tabi ko
Sa unang pagkakataon
Unang beses na nginitian mo ako
Nakihati ka pa nga sa aking baon
Unang beses ito
Na wala kang alam na nahulog na ako sa 'yo
Humaba pa ang oras
Mga panahon na hindi na ako makaatras
Hindi ko na magawang umiwas
Tipong nakulong na ako sa pagmamahal sa 'yo at 'di ko magawang tumakas
Nahulog na pala ako nang tuluyan
Habang wala kang kaalam alam
Na mas lumalalim na ang aking nararamdaman
At hindi ko alam kung ikaw ba'y nagmamanhid manhidan
O sadyang walang maramdaman
Mas lumalim pa
Hindi ko alam kung makakaahon pa ba
Kahit napalayo ka na
Mahal pa rin kita
Pero wala ka pa rin talagang alam
Lalo na't magkaiba na tayo ng tinatapakan
Hanggang sa nasasaktan na ako
Kahit noong dinadaan daanan mo nalang ako
Hanggang sa naiiyak na ako gabi gabi
Nangngarap na makatabi ka muli
Nananahimik sa gilid ng silid
Kahit luha ko'y nangingilid
Habang ikaw nasa kabilang banda
Masaya at may ibang kasama
Dahil wala lang ngang alam
Hindi mo na nga nagawang magpaalam
Wala kang alam na may umaasa
Wala kang alam na ako'y nasa likod pa
Wala kang alam
Wala kang nararamdaman
Hanggang sa nagising ako sa katotohanan
Wala ka talagang balak lumingon sa likuran
Wala na akong pag-asang balikan
Wala na akong aasahan
Dahil 'yong minahal ko ngayon
Wala nang balak lumingon
Dahil wala siyang alam
Nang matauhan na ako
Ramdam ko ang pagkawasak ko
Wala ka na namang alam
Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan
Kaya nilimot kita
Napagod akong habulin ka
Napagod akong turuan kang magmahal
Hanggang sa ako na mismong sa sarili ko ang nangaral
Tapos na at hindi ko na kailangan pang magpaalam
Dahil wala ka namang alam noong una palang

Tears Per Lines [Poetries]Where stories live. Discover now