Kaibigan, Mahal Kita

111 0 0
                                    

Kaibigan, Mahal Kita (Spoken Word Poetry)
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date Posted: September 6, 2017 , 7:13 pm

Oo, mahal kita
At dahil mahal kita, ayaw na kitang mawala
Mahal kita, seryoso ako, mahal kita
Kaya sana wag mong isiping hindi ka mahalaga
Na wala kang halaga
Na ang buhay mo ang isang pagkakasala
Kaya't kailangan mong magpariwara
Tandaan mo sana na may kasama ka
Alalahanin mo laging may kaibigan ka
May kaibigan– mali, may mga kaibigan pa ka
Ako, kami, sila
At anong silbi namin sa buhay mo?
Display lang?
Na kung kailan mo natripan, kakausapin mo?
Hindi! Mali ka! Maling mali ka.
Nandito kami hindi lang para masayahin ka
Nandito kami para damayan ka
Kung iiyak ka, bakit hindi mo kami isama?
Kung natatakot ka bakit hindi mo sabihin?
Kasi nakakaloko
Kasi, ito, isipin mo
Nasasaktan ka na pero bakit pinapalala mo pa?
Masakit na ang puso, bakit idadamay ang pulso?
Mahapdi na nga ngunit bakit palalalain pa?
Sinasaktan mo ang walang kalabang labang sarili mo
Ayaw mo pang mawala pero inuunahan mo na
May pangarap ka pero tila atat ka nang mawala
Kaibigan, masakit na!
Alam mong masakit na pero bakit mo gagatungan ng mas masakit at pisikalan?
Akala mo ba isa lang tong malaking biruan na ang kapag ka nasaktan, kinabukasan laslasan, depress-depressan kahit minsan mema nalang at pag hindi sinasandya, lulubha, mamatay tapos sasabihin mo sa Diyos na joke lang kaya bubuhayin ka na naman?
Hindi! Abnormal ka! Hindi to biruan
Kaya ka nga namin pinipigilan kasi takot kami sa kahihinatnan
Takot kami sa kung anong pwedeng mangyari
Takot kami sa kung anong peligro na malapit sa 'yo dahil sa ginagawa mo
Kaya kausapin mo kami
Lapitan mo kami
Kapag tinanong ka, sumagot ka
Wag mong ikahiya ang pag-iyak
Wag mong idadaan sa alak
Wag kang susunod ng delikado mong balak
Mas mabuting idaan mo sa iyak
Dahil sa bawat patak
Hindi lang ikaw ang iiyak
Dahil karamay mo kami
Huwag mong isiping hindi namin maiintindihan
Dahil pipilitin naming intindihin
Aalamin namin ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan
Kaya pwede mo kaming bahagian
Tutulong kami
Pasasayahin ka namin
Pupunan namin ang pagkukulang na hinahanap hanap mo
Paghahati-hatian namin ang sakit dyan sa puso mo
Itatago namin ang sikreto mo
Wag mo lang idamay pati buhay mo
Dahil mahal ka namin
Mahal kita

Tears Per Lines [Poetries]Where stories live. Discover now