Hindi Nalang

17 0 0
                                    

"Hindi Nalang"
By: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: October 13, 2018 , 11:53 pm

Hindi nalang iisipin
Puso'y pipiliting pamanhirin
Hindi iiwas ng tingin
Hindi ka na rin lalambingin

Sa kahit sino'y hindi sasabihin
Habangbuhay ko nang kikimkimin
Nararamdama'y di na pipilitin
Sakit ay aking sasarilinin

Sinadya man tayo pagtagpuin
Ngunit hindi para palalalimin
Malaking agwat natin
Hindi ko na susuungin

Masaya na ako sa iisang hangin
Na maabot ka ng tingin
Kung minsan ma'y paglapitin
Ngunit hindi para ibigin

Bubulong ako ng awitin
Huwag mo nang bigyan ng salin
Makinig ka at damdamin
Sapagkat yun lang ang dapat gawin

Hindi na dapat pang palalimin
Sapagkat ako'y dito pa rin
Hindi ka maaaring agawin
At hindi ka para sa akin

Hindi ka nalang mamahalin
Hindi ka nalang iisipin
Hindi ka nalang pipiliin
Dahil hindi ka para sa akin

Pipilitin kong linlangin
Ang pusong sa'yo pa rin
Iiwas ng daang tatahakin
At hindi ka na hahabulin

---
Eeeey! How are you guuuuuys?

Tears Per Lines [Poetries]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin