Toma de Problema

28 0 0
                                    

Tara, shot?😂 Anyways, dulot ng aking pamamaga. Hindi ko alam kung anong klaseng tugmaan or whatsoever 'tong sinulat ko😂 Nitong mga araw kasi ang daming problema sa earth. Ayon. Parang nagsanib pwersa lang. Tas bigla kong nasulat 'to. 'Di ko alam kung may sense sa inyo pero gusto ko lang i-share😊 (Gumagana utak ko ngayon shet)

---

"Toma de Problema"
Written by: Via Aiv / QueenSandok
Date posted: 2:02 am , April 25, 2018

Life, mula noong ayain mo't nagkabuklod itong magtotropa, pansin kong marami-raming beses na umikot yata 'yong tagay ng problema mo sa amin ah? Medyo malakas ang tama, dre. Idaan naman natin muna sa kwentuhan. Namumulutan na nga kami ng kalungkutan araw-araw eh. Easy-han mo lang. Walang betsinan ha? Mahina kalaban. Teka, paubos na ang chaser. Refill muna pwede? Timpla muna kami ng bagong lasa ng saya. 'Yong kayang labanan ang pait ng buhay. May naiiyak na sa gilid nakikita mo ba? May pilit tumatawa at dinadaan sa kanta ang pagkahilo sa problema. May ilang nagsusuka na rin sa kubeta dahil hindi na kinaya ang lakas ng toma. Saka tingin ka sa gawing kaliwa, may gusto nang umuwi sa pinaggalingan dahil hindi sanay sa inuman. Tipong bagong salta lamang dahil hinamon mo sa patibayan. Dahan-dahan lang. Sa may bandang kanan, may sinusubukang dayain ang pag-shot, sinusubukang h'wag agad panghinaan. Brad, mamayang umaga, isa-isa na silang tutungo sa tuktok ng tagumpay. Inaalala ko lang naman ang matarik na daan pati ang kanilang kalagayan. Gigisingin ko na ang mga tulog kahit pa ang sabi nila "Ayos lang ako." Saka itatayo ko na ang mga naupong lasing sa sahig kahit sinasabi nilang "Kaya ko sarili ko." Alam kong panay ka dagdag ng pampainit ngunit mas nangangailangan sila ng tubig o kahit sabaw na mainit upang mahimasmasan sa sinapit. Dahan-dahan lang. Umaga na pala. Hahayo na sila. Panibagong kumpol naman ng barkada.

---
To my squad, I dedicate this to y'all!😘

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon