Mahal Kita Kahit Malabo Pa

39 0 0
                                    

Mahal Kita Kahit Malabo Pa
Written by: QueenSandok
Date: December 19, 2017

Hindi ito ang tamang oras para magdrama
Hindi ito ang tamang panahon para sa nadarama
Hindi ako ang tamang tao para mag-alay
sa 'yo ng tula
Na kung saan nais kong ipahiwatig na mahal kita

Mahal kita sa paraang singlabo ng radio ni lola
Mahal kita sa pagkakataong isip at puso ko'y nagtatalo na
Mahal kita sa paraang hindi ko pa ni minsang nagawa
Mahal kita sa pagkakataong kakatapos ko lang lumaya

Iniisip kong umatras nalang muna
Sinusubukan kong tumingin sa iba
Iniisip kong ang lahat ay pangsamantala
Tinatakot ang sarili na baka maulit pa

Hindi ko malinaw kung pag-ibig ba talaga
Hindi ko mawari kung totoo na ba talaga
Hindi ko lubos maisip kung ikaw na ba
Hindi ko malaman kung tapos ka na sa iba

Mahal kita at sana
Sana pareho tayong dalawa
Sana marunong kang pumusta
Mahal kita kahit malabo pa

Tears Per Lines [Poetries]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt