Ano 'Ng Magagawa?

37 1 0
                                    

Title: Ano 'Ng Magagawa?
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: September 18, 2017, 11:39 pm

Ano 'ng magagawa?
Bakit kailangang lumuha,
Kung nasa kalayuan ka?
Bakit ikaw pa?

Ano 'ng magagawa kung may iba ka,
Bakit kailangang lumuha kung walang tayo pala,
Kung nasa kalayuan ka at ako'y nasa kabilang banda,
Bakit ikaw pa ang nakita't sa 'yo pa lumuha?

Bakit kailangan kong magmahal ng tulad mo,
Bakit kailangan kong sundin 'tong puso ko,
Kung masakit na talaga 'to,
At wala namang pagtugon mo.

Ni hindi mo ako inimbitahan dyan sa puso mo,
Ipinaalam mo lang ang ideyang may pag-asa ako,
Na kahit walang nakakasigurado,
Pinilit ko pa rin ang sarili ko sa 'yo.

Dahil nga baka may pag-asa,
Dahil baka pwede pa,
Dahil baka naghihintay ka,
At kung maaari'y maging akin ka.

Pero hindi pa pala sapat,
Hindi pala ako ang nararapat,
Mayro'n pang mas higit sa akin,
Na noo'y akala ko na malayo ang tingin.

Hindi man kayo magpahanggang dulo,
Ngunit iba para sa akin na maging kayo,
Kung tutuusin ay lugi ako,
Dahil naghintay na nga ako, hindi pa rin sa 'yo

Nakakapagsisi sa totoo lang,
Dapat pala hindi ko na tinagalan,
Dapat noong malapit na ako'y sumunggab na,
Edi sana tayo na ngayo't masaya.

Ngunit mali bang magdahan dahan?
Mali bang paghitayin ka kahit saglit lang?
Mali bang iisang tabi muna ang nararamdaman,
Dahil hindi lang naman sa 'yo ang mundong aking iniikutan.

Mali ba ang aking mga nagawa,
Siguro nga kaya ka napasaiba.
Ngunit tama rin bang maghabol muli?
Nang maramdaman muli kita kahit sandali.

Akala ko kasi totoo,
Akala ko hindi magbabago,
Akala ko sa akin lang ang oras mo,
Akala ko ako ang mundo mo.

Ngunit mali! Maling mali ako,
Milyon milyon ang tao sa mundo,
Hindi lang pala para sa akin ang mga mata mo,
At malamang noong wala ako, sa iba ang titig mo.

Hindi ko ipinipilit ang sarili ko
Ang sa akin lang ay 'bakit kayo?'
Bakit parang maling tignan ang 'kayo'?
Bakit hindi nalang tayo?

Pero, pero mali pa rin eh!
Kasi 'di ba ayaw ko na?
Matagal ko nang pangako na ayaw ko na.
Pero ano 'ng magagawa kung ikaw at ikaw pa rin talaga?

Ano 'ng magagawa kung pagod na ako?
Ano 'ng magagawa kung sawa na ako?
Ano 'ng magagawa ng nakaraan?
Ano 'ng magagawa ng iyong tinginan?

Para muli akong umasa?
Para maramdaman muli kita?
Para alalahanin ka?
O para iparamdam sa akin kung gaano ako katanga?

Kaya tama na.
Ako ang nagsimula kaya tatapusin ko na.
Matagal naman nang tapos ito.
Sa katunayan, walang dapat na i-kwento.

Tears Per Lines [Poetries]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα