Hanapan Daga

33 0 0
                                    

Hanapan Daga
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date Posted: October 7, 2017 , 12:26 AM

Nasa gitna ka
Nakapiring na tulad sa hanapang daga
Ikaw ang taya
Ang pagkakapain mo ang nasaan sila
Pero nalilito ka
May nais kang mataya
May nais kang makasama
May nais kang makuha
May hinahanap kang hindi mo makapa
Tila nang-aasar siya
Lalapit sabay lalayo bigla
Mangangalabit tapos iikutan ka
Hinahabol mo siya
Pinipilit mo siyang mataya
Sinusundan mo ang yapak niya
Hindi ka kumakapit basta basta
Dahil siya ang gust mong mataya
Siya ang gusto mong mapiringan sa mata
Siya ang nais mong mag-abala
Mag-abalang gantihan ka
Siya naman ang nais mong humabol sa 'yo
Nais mong iparanas sa kanya ang dinanas mo
Nais mo siyang makaramdam ng dinamdam mo
Matapos ay ikaw rin ang magpapataya
At kung pwede ay tapos na ang laro
Gusto mo nang tumakbo
Nais mong siya ang makasama mo
Pero taya ka na naman
Bigla ka niyang piniringan
Hinila sa damuhan
Masaya kang kayo'y naghahabulan
Nang hindi mo na namamalayan
May ilan pa palang naghihintay mapiringan

Tears Per Lines [Poetries]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα