Biglaan

26 0 0
                                    

Title: "Biglaan"
By: QueenSandok
June 9, 2018

Noong huling mga araw
Nilisan mo ako nang tuluyan
Natapos na ang pagdadalawang isip
Natapos na ang pinipigil na sakit
Unti-unti ka nang lumalayo
Anino mo nalang na nakikita ko
Natatakpan ka na ng makapal na hamog
Habang lumalakas ang pagkulog dahilan para hindi ko na madinig ang pagkabog ng iyong puso
Nanliliit ka na sa paningin ko
Tulad ng nanliliit na tyansang babalik ka pa sa piling ko
Malaki na ang espasyo sa pagitan ng tayo
Hindi mo na madidinig kailan pa ang mga pakiusap ko na "Huwag muna."
At ngayon, wala ka na at hindi ko na makita
Naisin ko man sundan ka ngunit hinihila ang aking mga paa ng mga pangako ko sayo "Hahayaan muna kita."
Naisin ko mang sumigaw noong paalis ka na kaso naunahan ako ng takot na baka hindi mo na ako lingunin pa
Wala akong magawa para pigilan ka dahil wala akong karapatan para pigilan ka
Mahal, mahal na mahal kita pero hindi dapat sinasakal ang minamahal
Kaya't ito ako sa dilim, nasa dulo at pinipilit na panatilihin ang liwanag ng gaserang hawak ko
Nag-iisa habang maginaw ang gabi at walang pampawi dahil wala ang mga bisig mo at wala ka sa aking tabi
Kung kasalanan man ang hayaan ka ay handa akong maging makasalanan para sayo sinta
Ganun kita kamahal, mahal na mahal
At kung nasaan ka man, sana ayos ka lang
Nais kitang pabalikin at makita kahit saglit lang
Umalis ka nang walang paalam at naabutan kitang lumilisan
Kaya't nais kong itanong kung may dapat pa ba akong panghawakan
O dapat sa iyong paglisan ay dapat ko na rin kalimutan ang ating pinagsamahan
Na dapat ko na ring lumisan sa tahanan ng pag-ibig nating minsan na rin nating tinuluyan
Tutuluyan ko na bang tuldukan?
O kailangan ko lang maghintay ng ilang buwan o kahit abutin ng taon basta't may kasiguraduhan na babalik ka saka itutuloy natin nang sabay ang ating nasimulan
Bumalik ka muna sandali saka linawin mong maigi
Dahil kung babalik ka pa, maghihintay ako kahit ilang dekada

---

Tears Per Lines [Poetries]Where stories live. Discover now