Parang Ayoko Na

25 0 1
                                    

Parang Ayoko Na
Written by: QueenSandok
Date posted: April 27, 2018

Parang ayoko na kasi walang akong kasiguraduhan
Parang naglalaho na ang kasiyahan
Parang ang dami dami nang rason upang tigilan ang ating sinimulan at pigilan itong aking nararamdaman
Parang ayoko na
Parang gusto kong sumuko bigla
Parang gusto kong balewalain ang mga sinabi mo
Parang gusto kong kalimutan ang mga pangako mo, itaga sa bato saka itapon sa kawalan ng mundo
Parang gusto kong iuntog ang aking ulo para malimot ang simula ng "tayo"
Gusto kong mawala ka sa puso at isip, pati sa panaginip at mawala itong pag-ibig na nasa aking dibdib dahil makailang saglit ako'y sisiksik sa gilid, mauupo sa malamig na sahig habang dinaramdam ang sakit, pikit matang sinisilip ang nasa isip, takip taingang dinidinig ang pintig ng puso mo kahit malayo ka sa tabi ko dahil baka ... baka ito'y huminto at magpalit ng ritmo na baka imbes na ako ang isinisigaw ng puso mo ay baka iba na't mas angat sa akin at mas malapit sa tabi mo
Mahal natatakot ako sa tuwing may ginagawa kang hindi mo kinagawian
Natatakot ako sa minsan pag-iiba mo ng usapan
Natatakot ako kapag hindi na masaya pa ang usapan
Natatakot ako kapag bigla kang mawawala sa linya
Natatakot ako na biglang mawawala ang maliit na bilog na kulay luntian nang hindi ka nagpapaalam tapos babalik matapos ang ilang minuto na minsan ko nang binilang at mahigit kumulang isang oras tapos magbabalik ka hatid sa akin ang pampalubag kalooban mong mga linyahan, makikipagbiruan, makikipaglambingan na tila ba dinadala mo na naman ako sa ating nakagawian pero pareho tayong hindi magkaabutan
Mahal natatakot ako na baka isang araw ay matapos ang ating kwento na hindi pa man din opisyal na nasimulan pero heto't malapit na tayo sa katapusan
Mahal, nararamdaman mo ba?
O mas tamang itanong kung nararamdaman mo pa ba?
Nararamdaman mo pa ba ang aking prisensya
Nararamdaman mo pa ba ang pagkaba ng puso mo tuwing sinasabi mong "Mahal kita"?
Nararamdaman mo pa ba ako?
Nararamdaman mo bang nasasaktan ako?
Ayokong magsalita sayo dahil baka ayaw mong marinig ang mga ito dahil pareho tayong may problema sa mundo
Pero mahal, sa tingin mo ba ikaw lang?
Mahal, bigyan mo ako ng rason para kumapit pa
Bigyan mo ako ng listahan ng mga dahilan kung bakit kailangan ko pang lumaban
Dahil mahal, ang ating pag-iibigan ay hindi karaniwan kaya't kailangan ko ng tulong mo para manindigan at manatili
Tulungan mo sana akong pakalmahin ang bagyo sa aking isipan
Tulungan mo akong manatili sa sarili nating mundo at maniwalang tayo lang ang tao. Tayo lang, ikaw at ako. Hindi magkakalayo, maligaw man ngunit magkakatagpo. Tulad nila Adan at Eba sa hardin ng Eden, sila lang at wala nang iba ngunit sana ay hindi ka kakagat sa inalok ng ahas sa puno.
Dahil baka sa pagdilat ng mata mo ay hindi na ako ang hinahanap mo
Baka sa pagmulat ko ay nasa likod na ako
Mahal, magkalayo tayo at parang ayoko na
Parang ayoko na dahil sa sarili nating mundo, napapapagod na ako kakatakbo't kakahabol sayo

---
Artemis_Mgndrs sarreh. Medyo nadala lang😅 Nakapagsulat ako out of boredom😅 Alabyu beeeeyb!😘

Tears Per Lines [Poetries]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें