Bukas

109 2 0
                                    

Bukas... (A short spoken poetry)
Written by QueenSandok WP
Date posted: July 02, 2017, 3:14 am

Sari-saring ideya
Sunod-sunod na nais magawa
Ngunit wala nang oras
Ang lahat ay dapat ipagpabukas

Tapos bukas may pasok
Bukas tambak
Bukas manonood
Bukas magsusulat
Bukas maghahanda
Bukas hanggang sa kinabukasan na naman ng bukas
Paulit-ulit, nakakapagod
Ngunit kaligayahan ito at hindi trabaho
Kaligayahan na nakakapagod
Pero sino ako para sumuko

Bukas... Walang katapusang bukas...
Bukas... Kumupas man o hindi basta't maraming bukas
Hindi mauubos, hindi matatapos
Ang tanging matatapos ay ang mga gawain
Maaaring ulitin kung hindi pa sapat
Mas pagbutihin nang matapos na
At kapag nasiyahan... Kinabukasan na naman
Panibagong nais, panibagong ideya
Paulit ulit, hangga't humihinga

Tears Per Lines [Poetries]Where stories live. Discover now