Malabo

218 2 0
                                    

Malabo
Words by: Via Aiv / QueenSandok
Date posted: August 22, 2017, 11:58 am

Nakita kita
Ngumiti ka
Sabay tawa
Hindi ko alam kung nang-aasar ka
Tapos tutulala
Pati ako ay natulala
Baliw ka ba?
O mas tamang sabihin ilusyon ka?
Ilusyon itong lahat
Ilusyon ang aking isiniwalat
Sapagkat hindi ka sa akin
Hindi ka tumingin sa akin
Ni hindi mo ako nilingon
Hindi mo na naalala ang noon
Wala na
Mali pala
Sa kanya ka
Siya ang dahilan kung bakit nakangiti ka
Nagtatampo siya kaya ka tumatawa
At nagseryoso siya kaya ka tumulala
Kasi ang ganda niya
Ganun naman talaga
At ako pala
Oo, naalala ko na
Malayo pala ako
Nandoon ako sa dulo
Nagmamasid sa inyo
Umaasang siya nalang ako
Pero ano na namang hiling 'to?
Kung mula palang sa umpisa
Malabong malabo na
At malinaw na hindi mo ako makita
Malabo ba?
Oo, kasing labo ng tsansang maging tayo.
Ulit?
Bakit?
Paanong ulit?
Eh wala namang nauna
Wala naman talaga
Kaya papaano ako hihiling?
Paano ako mananalangin?
Na sana ako nalang ang pumalit
Kung wala namang tayo nang una
At malabong maging tayo kahit huli na
Aasa sa himala?
Wala.
Hindi ako pagbibigyan
Malapit ka sa kalangitan
Mahirap abutin
Malabong maging akin

---
Sa mga nagtataka kung bakit iba iba ang date. Galing po kasing facebook ko 'yan😅 Mas marami doon😂

Tears Per Lines [Poetries]Where stories live. Discover now