WattFacts

49 0 0
                                    

WattFacts
Written by: QueenSandok / readerwriter10 / Via Aiv
Date posted: February 2015

Readers at authors ng Wattpad

Ang isip kung saan-saan na napadpad

Love,death,gangster

Teen Fiction,Mystery/Thriller

Iba't ibang kwento ng imahinasyon

Sama-samang binasa ng henerasyon ngayon

Tawa,kilig at sakit

Pagkalungkot at galit

Minsan pa'y di mapigilang umiyak

Kahit di naman ikaw yung nawasak

Habang ikaw nagbabasa

Kaluluwa mo nasa Wattpad na

Nakakaadik ano?

Haha syempre daming gwapo

Feeling mo ikaw ang bida dito

Peke! Nacarried away ka po

Hula ko marami ka ng Wattpad lines no?

Haha tapos naipon na din yung mga hugot mo

Matanong kita

Ilan naba ang nabasa mo na?

For sure,yung mga lalaki don inasawa mo na

Yung mga bidang babae,sa imaginations mo sila kontrabida

Lakas mo magfeeling no?

Haha parepareho lang tayo

Hanga ako sa mga successful authors dito

Worth it lahat ng sakripisyo

Sila yung halos mabrainstorm tuwing gabi

Makapagsulat lang ng magandang UD

Minsan naman pati mga kaibigan nila

Ginagawang characters sa istorya

Hanga din ako sa mga kalahi kong mambabasa

Na halos di na matulog dahil nasa kalagitnaan ng eksena

Na pati kapitbahay biktima ng matinis na tili

Dahil sa galawan 101 ni lalaki

Nakapagmura at nagbasag ng gamit

Dahil sa utak ni babae na di ginamit

May times na napagalitan ka na

Dahil wala kang ginawa kundi magbasa

May times na nasita ka na

Dahil sa mga reaksyon mo na nakakabingi na

May times na pinagtitinginan ka

Bigla ka nalang kasing magagalit,biglang tawa

May times na nagugulat sila

Ginamit mo kasi yung hugot at lines ng bida

Marami ka ng naging kaibigan

At pareho kayo ng kinaaadikan

Nakakarelate sa opinions mo

Dahil nabasa rin nya mismo

Pareho kayong naghahampasan

Dulot ng kakiligan

Sabay kayong nag-iyakan

Dahil sa kalungkutan

Ang Wattpad ay diary ng mga manunulat

Dahil ito ang nagsilbing daan nila't

Labasan ng kaalaman at imahinasyon

Na pinag-isipan ng may konsentrasyon

Binabasa dahil tumagos ito sayo

Minsan,interesting to para sayo.

Ang masakit lang

Dito meron ding hangganan

Pero Happy endings

Di tulad sa totoong buhay,sad endings

Perfect na pagkaset up ng relasyon

Bunga lang ng imahinasyon

Di baling wala kang karelasyon

Hehe meron ka namang inspiration

Di man totoo

At least epektibo

Sa Wattpad masasaktan ka

Pero panandalian lang talaga

Yah! Wala na akong masabi.

I mean maisulat pala,sorry.

Pero magsuggest kayo ng story informations

Idedevelop yan ng aking imaginations

Nakakairita na ba?

Ah sorry paalam na

----
Napakapabibo ko noon swear! Super pabibo! Unedited 'to guys.

Tears Per Lines [Poetries]Where stories live. Discover now