Patay Mali Siya, Patay Malisya

48 0 0
                                    

Patay Mali Siya, Patay Malisya
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date Posted: November 6, 2017 , 2:53 am

Noong una
Kayo lamang dalawa
Magkasama
Minsan, magkatabi pa
Makakaharap mo siya
Mayakap nang 'di sadya
Mahahampas ang ano niya
Makalabit ang strap ng 'yong bra
Walang malisya
Tapos ngayon iiyak ka
Akala mo yata ay siya na
Napamahal ka nang 'di sadya
Habang siya ay akala
Na ang mahal mo ay iba
Sa kwento mo'y hindi siya ang bida
Pero siya naman talaga
Patay mali siya
Nakangiti ka sa kwento niya
Kwento niya at ng iba
Masakit na pero sino ka
Kaibigan ka lang niya
Magkatuluyan man sila
Maghiwalay man o hindi na
Wala kang magagawa
Kundi ang magpatay malisya
Kapag kasi walang sinabi
Walang kayo, 'wag kang umarte
Na  akala mo'y pagmamay-ari
Ng kaibigan mong lalaki
Tapos iiyak ka
Dahil patay mali siya
Wala ka nang magagawa
Kundi magpagpatay malisya
Walang hustisya
Dahil kaibigan ka lang
Doon lang ang hangganan
Iba ang mahal sa kaibigan
Iba ang kaibigan sa ka-ibigan
Itulog mo nalang 'yan
Ituot ang mahal-mahal na 'yan
Itigil ang pakikipaglokohan
Sa sarili dahil kawawa naman
'Wag mo nang abangan
Ang pagsampal ng katotohanan
Na siya na mismo ang magsasabi
Na may iba siyang baby
Hindi ikaw ang nais ni destiny
Hindi kayo hashtag infinity
Maniwala ka kay lodi
Maghiwalay man sila sa twintitri
Hindi pa rin kayo sa huli
'Wag ka nang magtangkang umamin muli
Kung ayaw mong 'di na pansinin muli
Sinasabi ko sa 'yo
Patay malisya nalang tayo
Wala palang tayo
Pwes wala ring kayo

Tears Per Lines [Poetries]Where stories live. Discover now