Nasa Punto Ako Ng Buhay

119 1 0
                                    

Nasa Punto Ako Ng Buhay
Written by: Via Aiv / QueenSandok
Date posted: November 3, 2017 , 6:38 AM

Nasa punto ako ng buhay ko na kapag iniwan mo ako
Ngunit bakit mo ako kailangang iwan?
Bakit kailangan mo pang lumisan?
Bakit hindi mo ako pagtyagaan,
Saka sabayan sa pakikipaglaban
Sa marahas na hampas ng katotohanan
Na sa pagkakataong ito'y nais ko ng masasandalan
Dahil nilipad na ako ng kasinungalingan
Sumabay sa ihip ng katangahan
Dinala sa kawalan kung saan sabay sabay nila ako hinayaan
Ihinulog sa karagatang walang katapusan
Kung saan hindi ko na magawang umahon
At makipagsabayan sa alon
Hindi ako makatalon
Ang tanging nagawa ko'y lumingon
Sa tabi dagat, nakita kita roon
Nakatayo sa sariling mga paa
Ngunit walang mga mata
Nakatakip ang mga tainga
Ang iyong bibig ay hindi maibuka
Sumigaw ako ng malakas
Ngunit tila wala na akong alas
Dahil sa nilalamon na ako nitong karagatan
Ibinabaon ng hampas ng along gawa ng hanging amihan
Unti unti na akong namamanhid
Tila nilamon na ako ng lamig
Hindi mo ako makita
Hindi mo ako nakikita
Ngunit ikaw nalang ang tanging pag-asa
Para makaahon ako rito habang humihinga
Napako ako ng tingin sa iyong mga paa
At nagtigil ang puso ko sa pagbomba
Ng dugong unti unting namumuo na
Dahil umatras ka
Gumalaw ang iyong paa, umatras ka
Pabalik-balik ang aking tingin sa aking kinalalagyan at sa iyong paa
Ramdam mo ang papalapit na pagragasa at ayaw mong mabasa
Kaya umatras ka
Nawawalan na ako ng pag-asa
Hindi na ako tatagal ng ilang oras pa
Pero sana, sana
Sana manatili ka hanggang sa huli na
Dahil nasa punto ako ng buhay ko
Na kapag umalis ka pa't iniwan ako
Tuluyan na akong magpapatihulog
Sabay matutulog kahit pa kumulog
Hindi na aabalahin pa ng pag-untog
Sa katiting na lakas ng loob
Dahil wala na akong pag-asa
Ikaw nalang ang nag-iisa
Lalayo ka rin pala
Pinatagal mo pa

---
'Wag niyo akong tutularan hukhuk.

Tears Per Lines [Poetries]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora