Nine - (Colonel Carrot)

Start from the beginning
                                    

Napapalunok na bumaba ang tingin ko sa natural na mamula-mula at manipis na labi nya.

Parang ang lambot... parang ang sarap hali---

"Selena."

Naputol ang pagpapantasya ko nang biglang may humigit palayo kay Selena.

Salubong ang dalawang kilay na tiningnan ko kung sino ang epal na 'yon---...

Tss. Jiro. 

Syempre sino pa bang asungot ang malaking epal sa love story naming dalawa ni Selena?

Nagtama ang mga mata naming dalawa at tila may koryenteng dumaloy sa pagitan ng tingin namin. He hissed then suddenly, he smirked. Yung ngisi na parang naghahanap ng sakit sa katawan. Aba, aba. Gusto yata nito mabugbog eh! Porket di kalakihan maskels ko, minamaliit nya na ko?!

Gusto yatang makagat ng malupet ng isang 'to!!!

"Anong tinitingin-tingin mo?! At bakit ka nandito?!! Gusto mong masampola---hmmfff muummfh--!!!!"

Bago ko pa maibitaw ang malupet kong linya ay tinakpan na ni Oreo ang bibig ko at hinila ako palayo.

Teka!! Kailangan kong iligtas ang babe ko mula sa kingkong na 'yon!!

Salubong na salubong at halos magyakapan na ang dalawang kilay ko habang pinapanood ko si Babe na hilahin ni kingkong palayo sa amin. Napanguso ako at napasimangot.

Ang prinsesa kooooo huhuhuhu!

"Bebe cheese, wag kang mag-worry. Wag ka nang sumimangot dyan. Hindi naman jojombagin ng Jiro ang Selena 'no." pagrere-assure ni France pero nakakunot ang noong napailing lang ako at tinanggal ang kamay ni Oreo na nakatakip sa bibig ko.

"Paano kayo nakakasiguro? Diba sabi nyo nga, siraulo yang si Jiro!" depensa ko.

"Gago nga yang si Jiro at mahilig manakit ng damdamin ng mga babae, pero kahit kailan hindi pa sya nanakit ng babae ng pisikalan." sagot ni Mello. Napakagat ako ng mariin sa ibabang labi ko at busangot na tumingin sa direksyong pinuntahan nila Selena.

"Yun na nga, eh... paano pag sinaktan nya yung feelings ng pri---- I mean... ni Selena? Hahayaan nyo bang mapunta si Selena sa ganung klaseng lalaki?"

Lumapit si France sa'kin at pinisil ang pisngi ko.

"A-Araaay!"

"Wag ka ngang OA dyan bebe cheese! You think hahayaan na lang din naming mahurt ang puso ng nagiisang pechay sa atin? Hahaha! Tsaka si Selena yun 'no! Takot ang mga lalaki dun! Kaya don'cha worry, hinding-hindi magagalaw ni Jiro hindi lang ang katawan, kundi maging ang puso ni Selena."

I just stared at him frowning then sighed in defeat. Nakangiting tinap ni Oreo ang balikat ko.

"Fine... If you say so." I pouted dejectedly.

✿*:・゚゚・:*✿

[ Selena. ]

Nakakunot ang noong pinagmasdan ko ang likod ng lalaking mahigpit ang pagkakawak sa braso ko at hinihila ako sa kung saan. Pinilit kong alisin ang tila bakal nyang pagkakapulupot sa braso ko pero ayaw nyang bumitaw. Hindi naman ganun kahigpit ang pagkakahawak nya, may pagkagentle parin para hindi na sapat na para hindi madurog anh braso ko.

"Jiro, ano bang trip mo? Sa'n mo 'ko dadalhin?" inis na tanong ko. Tama bang higitin nya ako biglaan habang nakita nya naman na kasama ko ang mga kaibigan ko? Tsk.

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now