Napairap ako sa sinabi nyang yun.
Ang kapal talaga ng apog ng tarantadong yun. Kung pwede lang akong kumilos at pigilan sya sa ginagawa nya kay Steve kaso kailangan ko pareng magpigil baka ako lang mapahamak sa huli.
Malakas akong napabuntong hininga at hindi na sila sinundan pa baka mahuli nya ulit ako at wala ng pake etong Steve.

“Master Steve! Master Steve!” pinigilan ko naman yung maid na natatarantang tumakbo.

“Teka ano bang meron at nagmamadali ka??” nakataas kilay kong tanong.

“Nakita mo ba si Master Steve?? Pinapatawag sya ng Daddy nya”

“Huh?! Uso naman ang cellphone bakit hindi nila tawagan?” 

Nagulat ako ng tapikin nya ang kamay kong nakahawak sa braso nya.

“Pwede ba? Hindi tayo close para makipag usap ako sayo” mataray nyang sabi kaya napanganga ako sa amusement.

Wow nakakatawa naman hahaha.

“Where not close?? Hahaha so ayaw mong makipag close sa panget na tulad ko? Ganun ba yun?”

“Ou! Hindi ko nga alam paano ka natanggap sa itsura mong yan? Parang nakakasuka”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa ako ng malakas.

“Pfffttt teka ang sakit ng tyan ko hahahhahaha y-youre funny hahahahaha”

“Anong sinabi mo?!” nanlalaking mata na sabi nya.

“Sorry ka nalang kung hindi mo narinig hahaha minsan kase maglinis din ng tenga pag may time” nakatawang sabi ko.

Napahinto ako sa pagtawa ng bigla nya akong sampalin. Napasmirk ako dahil nakita yun ni Steve. Kaya ko naman pigilan yung sampal ng babaeng to kaso kailangan ko paren magpanggap kaya hinayaan ko nalang na tumama palad nya sa pisngi ko.

“That's enough!”  sigaw ni Steve sa di kalayuan at naglakad palapit dito.

“Ano bang ginagawa nyo!? Sa halip na magtrabaho kayo mas inuuna nyo pa ang pagtatalo dito?!” sigaw nya kaya natakot naman etong maid na nakaaway ko syempre ako hindi.

“S-sorry po young master eto po kaseng panget na maid nato pinigilan pa ako! Pinapatawag po kayo ng Daddy nyo, n-nabalitaan ko po kase na nakabalik na yung kapatid mong n-nawawala”

Napairap nalang ako sa sulok ng tignan ako ni Steve ng masama.

“Bakit hanggang ngayon nandito ka paren diba sinabi ko na sayong umayos ayos ka at mag trabaho ka!?” – Steve

“Wala po kayong sinabi”

“What?!” - Steve

Napahilot sya sa sintido nya at inis ulit akong tinignan.

“Get lost now!” 

“Y-yes sir” sabi ko nalang at lumayas na sa harap nila.

Nag eenjoy tuloy akong asarin tong si Steve hahaha.

Nilingon ko ulit siya pero nagmamadali na syang umalis para puntahan yung nawawala nyang kapatid. Nakasunod lang sa kanya si Ericho at ang kinagulat ko ng tignan nya ako ng ilang segundo at kitang kita ko ang pag smirk ng bibig nya bago ulit sya naglakad.

Napatalikod agad ako at nagmadali na ding umalis. Hindi kaya matagal na akong minamanmanan ni Ericho? Hindi kaya may alam na sya sa plano ko??

Hindi kaya alam nyang nagpapanggap lang ako at alam nyang ako si Clariz?!

Kinuha ko agad ang phone ko para sana tawagan si Cheldon pero cannot be reach na ang gago.

“Aisshhh!!” napasabunot nalang ako ng buhok sa sobrang inis.

Rage of Death (On going) Where stories live. Discover now