Rage 1. The Slaughter

1.7K 73 13
                                    

Sa gitna ng hating gabi at tahimik na ang buong lugar humahangos na tumatakbo ang isang matandang lalaki para takasan ang gustong pumatay sa kanya. Hindi nya magawang magpahinga dahil natatakot syang maabutan, kahit hingal na hingal ay lumingon sya sa likod kung nakasunod pa ang lalaki kaya mas binilisan nya ang pagtakbo dahil chill lang na naglalakad ang lalaki habang nakasunod sa kanya.

"Why are you chasing me? I'll give you more money just let me live please?" pagmamakaawa nya sa gitna ng pagtakbo pero parang bingi lang yung lalaking nakasunod sa kanya. Nakakita sya ng eskinita kaya lumiko sya doon pero wrong move dahil wala na syang matatakbuhan dahil dead end na ito. Napaluhod nalang sya sa sobrang panghihina at inaatake na din sya ng sakit sa katawan.

Malilikot ang mga mata nya dahil wala na talaga syang pag asa na makatakas. Tumutulo ang malalamig na pawis sa kanyang noo at nanginginig na din ang kanyang katawan sa takot.

Kinuha nya sa bulsa ang litrato ng kanyang nag iisang anak at mabilisang hinalikan ito.

"I'm sorry my daughter please forgive dad" kausap nya sa babaeng nasa picture at may naalala pa syang makakatulong sa kanya kaya kinuha nya yung calling card ng isang tao na pwedeng tumulong sa kanya kung sakaling may mangyaring masama sa kanya.

Nag ring lang ng nagring ang kabilang linya kaya mas lalong nangilabot ang matandang lalaki ng marinig na nya ang hakbang na papalapit sa likuran nya. Hindi na nya kayang gumalaw dahil narin sa kaba at takot. Napapikit nalang ang matanda at may tumulong luha sa mata nya. Tinago nya ang phone sa bulsa at hindi nya napansing may sumagot na sa kabilang linya.

Tak Tak Tak

Tunog ng sapatos na papalapit sa likuran nya. Naririnig nya din ang kaluskos ng kadena na hawak ng lalaki habang may knife sa dulo ng kadena.

"Are you already tired?? woah.. youre a weak old man hahahaha"

"Youre a m-monster!" sa gitna ng panginginig sa takot nagawa nya pang sigawan ang lalaki.

Natawa lang ang lalaki at pinaikot ikot ang hawak na kadena habang may patalim sa dulo.

"I already know that old man"

"Why are you chasing me?!"

"You don't remember? you betrayed me right? I thought if I win in that game you said your daughter is mine but she's nowhere to find! did you hide her?"

"I- I just want to protect my daughter from you! there's a rumor that you killed many people" matapang na sagot ng matanda kaya natawa ulit ang lalaki at inihinto na ang pag ikot sa kadena. Napasmirk sya at lumapit na sa matanda, pinadaan nya ang patalim sa pisngi ng matanda kaya lalong nadagdagan ang takot nya.

"Before you die, I just want to inform you. . I am the slaughter who killed thousand of people heartlessly" nakasmirk na sabi ng lalaki at bigla nalang nyang pinaikot ang kadena sa leeg nito at pinakahigpit ang pagkakasakal kaya halos lumuwa na ang mata ng matanda at lumabas na din ang dila nya sa hirap makahinga.

"Any last word?" pag aasar ng lalaki kahit naman alam nyang hindi na makapagsalita ang matanda.

"Hmm? nothing? o-kay"

Inikutan nya pa ng kadena ang leeg ng matanda at yung dulo na may kutsilyo ay sinaksak nya sa gitna ng ulo ng matanda kaya halos mawakwak na ang ulo sa paulit ulit nyang pagsaksak. Tuwang tuwa ang lalaki habang may sumisirit na dugo sa kanyang pisngi.

Nangingisay na humandusay ang matanda at wala ng buhay. Tumayo na ang lalaki at hinubad ang suot na glove at tinapon pa mismo sa mukha ng matanda. Kumuha din sya ng panyo sa bulsa at pinunasan ang pisngi at tinakpan nya ang mukha ng matanda.

Rage of Death (On going) Where stories live. Discover now