Rage 10. Revealed

769 46 2
                                    

Clariz POV.

"Alam mo bang sobrang gwapo nung doctor kanina? Kyaaa. .. "

Napataas naman ako ng kilay ng mag usap itong mga nurse sa harapan ko. Nakasakay kasi ako ngayon ng elevator at balak kong puntahan si Cheldon. Nakakainis lang kasi kinulong nya ako sa napakalaking bahay na yun at sobrang nabobored ako. Tumunog na ang elevator ibig sabihin narating na ang floor na pupuntahan ko. Inayos ko ang shades na suot ko at itinago ang  kamay ko sa bulsa ng jacket.

Napangiti ako ng makita ko din sa wakas si Cheldon na may kausap kaya unti unti akong lumapit at nung malapit na ako I cleared my throat para mapansin nya ako. Nakita ko ang panlalaki ng mata nya at bigla nalang akong hinila papasok sa office nya.

"WHAT THE HELL are doing Clariz!!" Sigaw nya pagkasara ng pinto. Hindi ko pinansin ang sigaw nya at umupo ako sa malambot nyang sofa.

"Alam mo cheldon kung alam ko lang na ako lang mag isa sa bahay na yun sana kinulong mo nalang ako sa kulungan ng aso, nasasakal ako sa bahay na yun alam mo ba?" Reklamo ko kaya napakunot sya ng noo habang nagtataka sa sinabi ko.

"WHAT?!"

Tumayo ako at nag smirk tsaka lumapit sa kanya at hinila yung necktie nya.

"H-hey! Are you Clariz or the other?"

Kinakabahan nyang sabi habang umaatras hanggang sa napasandal sya sa lamesa. Nakita ko pa ang paggalaw ng adams apple nya. Mas nilapit ko pa ang mukha ko hanggang sa inch nalang ang labi namin. Napapikit sya sa ginawa ko kaya . . . .

"Pffftttt!!! Hahahahahahaha" napahawak ako sa tyan dahil hindi ko mapinta ang mukha ni Cheldon.

"Akala mo ba gagahasain na kita? Duh? Si steve nga hindi ko pa nagagalaw ikaw pa kaya?"

Sumeryoso ang mukha nya at inayos ang nagusot nyang uniform.

"Don't take it as a joke Clariz. . ." Inis nyang sabi at lalabas na sana pero pinigilan ko sya sa braso.

"Hindi ko pa nasasabi ang dapat kong sabihin kaya ako nandito personally" seryoso ko ding sabi kaya napalingon sya sakin.

"Bakit ka nagtatrabaho under sa mga Kang?" Tanong ko kaya nanlaki ang mata nya and I think I want some information.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan Clariz? Hindi ako nagㅡ"

"Eh ano to?" Pinakita ko sa kanya yung bussiness card ni Stephen Kang ang Daddy ni Steve.

Inagaw nya saken yun at napaiwas sya ng tingin.

"Sabihin mo saken ang totoo Cheldon. . Bakit kailangan ni Stephen Kang ng isang doctor na tulad mo?"

Tumingin na sya saken ngayon at tinitigan ako sa mata.

Ilang minuto syang nakatitig sa akin at ilang saglit ay napayuko sya at nagbuntong hininga.

"Ok! You got me. . Kailangan mo din malaman ang totoo dahil kumikilos na si Ericho"

"Huh?! Si Ericho? Alam mo kung nasaan sya?!"

Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at tinignan sa mata.

"Kailangan na din nating kumilos Clariz dahil hindi maganda ang kutob ko sa mangyayare"

Napakunot nalang ako ng noo . .

"Youre right nagtrabaho ako under sa mga Kang but hindi ako nagtagal dahil pinalitan ako ni Ericho"

"WHAT?!"

"Clariz. . Buhay si Steve"

Nanlambot ako bigla sa narinig buti nalang at nasalo ako ni Cheldon at pina upo ako sa sofa. Hindi ko na napigilan ang luha kong mag unahan sa pagpatak.

Rage of Death (On going) Where stories live. Discover now