Rage 22. loathsome

577 26 0
                                    

[LOATHSOME - Causing feeling of hatred or disgust]

Sion POV.

“Hindi nga?” pangungulit ni Leslie dahil hindi sya naniniwalang nakita ko si Chan.

“Psh..ou nga! Kaso ang problema parang hindi na sya yung Chan na nakilala natin” amin ko.

“Alam mo ba kung nasaan sya ngayon?”

“Uh..huling kita lang namin doon sa hospital , hindi ko alam kung saan sya tumutuloy ngayon…pero may chance tayong makita ulit sya dahil malapit lang sya sa atin”

Ininom nya muna yung tsaa bago nagsalita.

“Sana nga … pero sa pagkakataong ito malabo na ang chance na magkasama sama ulit tayo” malungkot nyang sabi sabay tingin sa malayo.
He's right malabo na nga ang chance na magkasama ulit kaming 12 saints lalo na't hindi parin namin nakikita si Steve.

Napakamot nalang ako sa ulo dahil kanina pa namin hinihintay si Terrence dahil may mahalaga daw syang sasabihin pero kahit anino nya hindi pa dumadating. Napatingin ako sa wrist watch ko kaya napalingon si Leslie saken.

“Uhm..hindi paba nagtext si Terrence sayo? 2hrs na syang hindi dumadating” tanong ko kay Leslie kaya chineck nya yung phone at umiling.

Terrence POV.

“Shit!” I cuss dahil kanina pa may sumusunod na pulang kotse saken at kanina ko pa sya pilit iniiwasan pero magaling sya dahil kung saan saan na ako lumusot nakakasunod parin sya. Tinapakan ko ang turbo kaya mas bumilis ang takbo ko kaso mukhang hindi ko yata maiisahan ang isang ito. Naunahan nya ako at binangga nya ang gilid ng kotse ko.

“Tang Ina!” I cursed dahil muntik pa akong mawalan ng balanse dahil sa lakas ng impact. Binangga ko din sya kaya napunta sya sa side at naunahan ko.

Napatingin ako sa rearview mirror ng bigla nalang syang lumiko sa may eskenita. Halos maputol na ang break sa pag apak ko dahil dead end na pala itong napuntahan ko. Kaya siguro sya lumiko dahil alam nyang wala ng daanan dito. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at lumabas. Hindi parin naaalis ang alikabok na gawa ko dahil sa biglang pagbreak. Nilibot ko ng tingin ang lugar at isa lang itong bakanteng lote at may building na hindi pa natatapos, maalikabok din dito dahil sa buhanging ginamit sa paggawa ng semento. Napasandal ako sa kotse ko at kinuha ang phone sa bulsa.

(What the fuck!? terrence kanina kapa namin hinihintay!!)

Napangiwi ako at inilayo ang phone sa tenga. Makasigaw naman itong si Sion kala mo may utang ako sa kanya.

“Nagkaproblema lang ako saglit dahil may-----“

Naputol ang sasabihin ko dahil naramdaman kong may tao sa likod ko. Nilagay ko muna ang phone sa bulsa at naglakad papunta sa loob ng building na hindi pa natatapos. Tanging pagtapak ko lang ang naririnig dahil sa sobrang tahimik ng lugar.

“Kung sino ka man lumabas ka duwag” I said kaya umecho ang boses ko sa building.

May narinig akong tapak na papalapit kaya dahan dahan kong binunot ang baril sa jacket. Sa madilim na part may nakita akong anino na unti unting papalapit. Nagulat ako ng hindi lang isa kundi madami pala ang lumabas sa bawat sulok. Lahat sila nakabalot ng itim na  tela, mata lang nila ang nakikita. Bigla nalang silang sumugod saken kaya pinaputukan ko sila ng baril.

Shitness sino ba itong mga toh?!

Napaluhod ako sa sakit dahil may biglang pumalo sa ulo ko. Naramdaman ko ang dugo na tumulo sa noo papunta sa pisngi ko. Nahihilo na din ako dahil sa lakas ng hampas. Sinubukan kong tumayo at ginamit ang buong lakas para labanan ang mga letseng ito. 

Rage of Death (On going) Where stories live. Discover now