Rage 29. Picture

422 19 1
                                    


Dave's POV.

“That Clariz… yung babaeng nagligtas sayo…… sya ang pumatay sa kuya mo brenna” 

Akala ko magugulat sya sa sinabi ko pero hindi ako makapaniwalang ngumisi lang sya at parang natuwa pa sa nalaman. Napansin ko ulit ang mata nyang naging pure black.

Nagulat ako ng bigla syang lumingon sa direksyon ko at nangilabot ako sa uri ng pagngiti nya.

Kung may balak syang kalabanin si Clariz hindi ko iyon papayagan. Alam kong gusto nyang maghigante Sa pagkamatay ng kuya nya pero Mas iniisip ko ang kaligtasan nya.

“Kung iniisip mong patayin sya pwes stop brenna hindi sya basta basta”
Tinignan nya lang ako ng walang emosyon.

“Wala kang pake sa gagawin ko… buhay ko ito kaya wala kanang magagawa”

Napapikit ako ng mariin at wala na akong choice kundi gawin ang ginawa ko kay devien dati. Kinuha ko sa bulsa ang pampatulog at nilapitan si Brenna.

“Tutulungan kita” sabi ko at niyakap sya tsaka ko tinurok sa batok nya ang pampatulog. Ilang saglit lang bumagsak na sya at binuhat ko sya para mailabas na dito.

Hindi pa ito ang oras para harapin sya Brenna...

Henna POV.

Phew* sinampal sampal ko ang pisngi ko dahil hanggang ngayon namumula parin. Kanina pa ako dito sa banyo dahil hindi ko kayang harapin si Chan ngayon nakakahiya.

Knock* knock*

Napatalon ako sa gulat ng kumakatok na sya.

Gosh what can I do?

“Henna ok ka lang dyan? Kanina kapa hindi lumalabas ah”

Inhale…. Exhale…

“O-ok lang ako medyo masakit lang tyan ko” palusot ko at naghilamos nalang.

“Talaga? Gusto mong tumawag ako ng nurse baka---“

“N-no no no.. ano kaba! Call of nature lang”

Kahit hindi ko sya nakikita alam ko sa likod ng pinto napaisip sya sa meaning nun.

“Call of nature??”

Lumapit na ako sa pinto at binuksan iyon. Muntikan pa syang masubsob saken buti nalang nakabalance sya kaya di natuloy.

“Ano kaba! Humiga ka nga doon” hinila ko na sya at pinahiga ulit.

Kanina nya pa ako tinitignan kaya nga hindi ako mapakali e.

“Henna”

“W-why?”

“Gusto kong maghilamos”

“Ayun lang pala e.. sige Cr kana”

Hindi sya bumangon sa pagkakahiga habang nakatingin lang sya saken.

“Oh Why? Don’t tell me kailangan mo pa ng help?” napalunok ako sa naisip.

“Yes.. hindi ko kayang maghilamos dahil dito sa bandage sa kamay ko”

Medyo naawa naman ako dahil hindi parin pinapaalis ng doctor yung bandage nya. Bumangon na sya sa pagkakahiga at inalalayan ko syang makapasok sa CR.

Napalunok ako ng ilang beses dahil nakakailang gosh! Kameng dalawa lang sa loob pa ng banyo.

“Ahm.. yumuko ka ng konti para mabasa ko ang buhok mo” masyado kase syang matAngkad kaYa hindi ko sya maabot. Sumunod din naman sya kaya binasa ko ang buhok nya at shampoo na rin. Binalot ko muna ng twalya ang buhok nya at nagbasa ako ng malinis na towel at pinunas sa mukha nya. Nakaupo sya sa sink kaya naabot ko sya kahit papaano. Hindi ako mapakali dahil sa mukha ko sya nakatitig. Kaya finocus ko nalang ang ginagawa sa pagpunas sa mukha nya. Ilang saglit lang hinawakan nya ang kamay kong nasa mukha nya at ibinaba nya ito.

Rage of Death (On going) Where stories live. Discover now